SITUATION 93: Everyday War

3.5K 9 6
                                    

Yung factor lagi nalang kayong nag aaway o lagi ka nalang 

inaaway ng partner mo ng WALA namang DAHILAN 

yun bang ang lakas ng tama at daig pa ang nakainom

dahil inaaway ka nya dahil sa "WALA LANG"


ang cool no? yun bang aawayin ka ng walang dahilan

siguro sinasabi nya o sa tingin mo WALA lang pero

behind that WALA lang e meroong MILYUNG MILYONG rason

na nakapaloob

1. Inaaway ka niya kasi may nagawa ka, at patuloy mo yung ginagawa

Hindi magagalit ang tao kung wala ka namang ginagawa, kumbaga sa bata iiyak ba yan ng walang dahilan? syempre hindi. Ngayon kung sasabihin mong WALA NAMAN AKONG GINAGAWA  ee siguro di mo lang alam na may nagawa ka or di ka lang aware na ang ginawa mo e nakakagalit sa kanya at nasasaktan na sya. May mga tao kasing hindi vocal e minsan through action yan maglabas ng sama ng loob

2. Naghahanap ng atensyon o lambing

Ang mga babae same thing with you guys out there, gusto niyo ng atensyon mula sa taong mahal niyo yun bang ayaw mo na mahuhumaling sya sa iba at doon nalang tutuon ang atensyon nya. Best Example DOTA (Im not saying na masama mag dota, nag dodota din ako minsan) ito yung madalas na problema ng mag on yung nakakalimutan sumagot ni bf sa text sa tawag yung halos ilang oras ng ang focus e nasa laro kaya madalas nagagalit ang babae,  

Syempre pag nagalit yan lalambingin mo at pag nagpakipot magagalit ka na rin, tandaan ang apoy ay hindi mapapatay ng kapwa apoy one must cool down and girls please wag masyado pakipot pag nilalambing na, at matuto rin kayong umunawa, and boys wag niyong kalilimutan ang responsibilidad ninyo sa gf niyo. Plus ang tao hindi yan mag sasabi ng LAMBINGIN MO NGA AKO kaya gagawa yan ng paraan para lambingin mo kaya lang MADALAS hindi niyo magets kaya nag aaway kayo

3. SELOS POREBER AT LANDI LANDIAN

Yun bang alam mong nagseselos na sya sa taong yun tapos ayaw mo pang layuan. layo layo din pag may time . At pag may nanlalandi sayo wag mong papatulan be LOYAL kasi ang relasyon para yang tubig lumalabo pag may lumandi.  Sige ka baka pagsisihan mo sa huli, matuto kang makuntento hindi yung taken ka na lalandi ka pa

4. Gusto na niyang LUMAYO ka sa kanya o tapusin na ang kung anong meron kayo

Minsan kasi iba narin pag inaaway ka na ng karelasyon mo at araw araw pa ang pang aaway niya sa iyo. Kung wala man sa nabanggit na first 3 ang dahilan o ano mang dahilan. Ito na yung sign minsan na layuan mo na sya, sign na ipinapakita nya through action kasi sa palagay niya mas masakit kung sasabihin niya na AYAW KO NA SAYO kaya ang gagawin niya aawayin ka niya, hanggang sa mainis ka at mag give up ka na sa kanya. 

Pero kung papipiliin mas magandang marinig ang AYAW KO NA SAYO  para isang sakitan hindi yung ipaparamdam niya through action kasi mas masakit yun at paunti unti pa ang sakit.

Rember: Kung ayaw mo na sabihin mo na, hindi yung aawayin mo pa. Mas magandang sabihin din ang mga bagay bagay kesa ipakita mo ng ipakita o iparamdam mo, kasi kung pakita lang at ipaparamdam lang hindi yun minsan nagegets ng tao o naiintindihan. Iisipin lang niyan na may problema ka, at aasa na OKAY PA ANG LAHAT kahit HINDI NAMAN talaga

Book of Advices ( situations of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon