SITUATION 107: Pinakilig ka lang. Abangers ka naman.

1.9K 15 0
                                    

Yung tipong gusto mo sya, tapos sweet sya sayo.

Ang saya di ba? Tipong sa labas kunwari naiinis ka

pero deep inside nag haharlem shake ka na sa kilig

Yung tipong papakiligin ka ng todo

Yung sa isip mo "shet! Sana wag ng matapos ang araw na ito"

Yung tipong "pucha sana kami nalang oh! Bagay kaya kami"

Yung ang daming thoughts na pumapasok sa utak mo na what if ganito.

What if ganyan.

Tapos magiging abangers ka sa susunod nyang gagawin 

Tipong

"Gusto din kaya nya ako"

"Liligawan ko na ba to?"

"Liligawan ko kaya to?"

"May pag-asa ba ako"

"Ang sweet nya, siguro type ako nito"

at kung ano ano pang pwede mong i-asa.

Pero ang tanong lang kasi

may aasahan ka ba?

Sayo lang ba ganyan?

Malay mo pinakilig ka lang pero wala siyang malay na kinikilig ka na hindi
niya motibo ang pakiligin ka. Ang ma-fall ka.

Malay mo sa kakaabang mo sa kanya lumampas na yung taong para sa iyo ng hindi mo namamalayan.

Sa panahon kasi ngayon mayroong mga tao na

Papakiligin ka o sweet sa iyo tapos kinabukasan "Who you" tapos biglang sweet ulit

para lang tanga. Tapos ikaw abangers.

Nag-aabang sa wala

Nag-hihintay sa wala

Na masasaktan muna bago mamulat na

"Pinakilig ka lang hindi ka gusto."

"Sweet sya sa iyo pero hindi sayo lang"

o kung ano man.

Minsan kasi nagpapakamartir ka muna.

Tipong "I-eenjoy ko muna itong moment na ito. Minsan lang to mangyari pagkatapos nito. Ala-ala nalang kasi to"

Swerte ka kung ang inaabangan mong mangyari ay dumating

Pero kung hindi? Swerte ka parin. Kasi hindi ikaw ang nawalan kundi sya

Wag mong hanapin ang pagkakamali sayo tipong "May mali ba sa akin kaya di nya ako magustuhan?" Walang mali sa iyo nasa kanya ang mali. Jackpot na naging bato pa.

Tsaka hindi lang sa love iikot ang mundo.

Maraming possibilities.

Kung pinapakilig ka go lang treasure and enjoy the moment

Pero wag na wag kang mag eexpect masyado


Pero kung sinabi nya mismo na may aasahan ka.

Doon ka umasa. Doon ka mag-abang. Doon ka lang pwedeng mag expect o mag-assume.

Kilig kilig lang.

Landi landi lang.

Go with the flow pero know your limits.

:)

Book of Advices ( situations of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon