SITUATION 118: BACK FOR YOU

670 8 5
                                    

What if nag momove on ka na, tapos dumating or kinausap ka ulit ng ex mo at nakikipag balikan sayo, makikipag balikan ka ba?

Ang weird ng mundo ng pagibig

iniwan ka na, kung kailan paalis ka na tsaka ka naman babalikan

Di ba parang nakakalito or nakakalito talaga

tipong

hindi na daw nya ako mahal bat pa sya nakikipagbalikan

niloko nya ako babalikan ko pa ba sya? Pero mahal ko pa e

nasasaktan lang ako pag kasama ko sya babalik pa ba ako?

paano ba ang dapat mong gawin?

Bumalik o hindi?

Ano ba ang tamang desisyon?

Bibigyan mo pa ba ng chance o hindi.

Sa bawat desisyon na gagawin natin lahat yun may consequence either good or bad.

Sa bawat tanong natin laging may naka ready na sagot minsan di lang natin nakikita

o naiisip na yun lang pala ang sagot, kasi matigas ang ulo ng tao lalo na pag sa pag ibig.

Na minsan naka red light na pero go parin ayun nabunggo.

Pre,

Walang maling desisyon.

Mali lang sa tingin ng iba kasi yun ang paniniwala nila

pero mag tiwala ka sa desisyon na ginagawa mo.

Kasi yan ang pinili mo e 

sa dinadami ng choices at desisyon na pwedeng gawin yun ang pinili mo.

Kung pinili mong makipagbalikan

wag mo iexpect na katulad ng dati ang lahat

syempre may nagbago na sa samahan nyo.

Either make that change into something better

para maging masaya kayo together

or mainis ka sa pagbabago

at maging worse ang scenario

Accept the fact na lahat ng nabasag e hindi na babalik sa dati ang itsura

pero pwede mo pang buuin as long as nasa sa iyo pa ang pieces

at willing kayo pareho na buuin yoon at patatagin pa lalo

malay mo sa second chance e mas tumibay at mas sumaya kayo

tipong love is better the second time around

Kung hindi nabuo ulit

edi ibig sabihin isa lang talaga ang willing

sabihin ng oo pumayag ka pero kung half hearted yan

o kung pumayag ka nga tapos sya ang half hearted walang mangyayari

hiwalayan ulit ang ending nyo.

Pero ayos lang yan move on! maraming pag ibig sa mundo 

mahahanap mo rin ang para sa iyo!

Kung hindi ka pumayag na makipag balikan 

ayos lang yan.

wag kang mag sisi at wag mong isipin ang sandamakmak na 

what if!

kung nag sisisi ka kasi di ka pumayag ikaw na bahala kung hahabulin mo

e paano kung sya naman umayaw

give up ka na tapusin nyo na ang chase nyo

masasaktan lang kayo pareho.

Maging masaya ka nalang

ikaw lang naman ang may kayang pasayahin ang sarili mo

kung i a-allow mo sa sarili mo na maging masaya

at i-enjoy ang buhay, ikaw ang may kontrol sa freedom mo

hindi ang ibang tao.

Move on, great things take time

Darating din ang nakatadhana para sa iyo

mag hintay ka lang

as of the moment e wag kang makulong sa pag kabitter

na ikaw ay team walang forever.

okay lang maging bitter sa simula pero i embrace mo nalang yung memories nyo

together

yung saya

lungkot

sakit

kasi mapapatatag ka nyan

tapos i accept mo lang ang be a better person

Sa pagibig naman, lahat ay may chance

minsan nga lang hindi natin napapahalagahan

kaya humihingi tayo ng part 2.

Kung sa pelikula e nabitin ka, at humihingi ka ng sequel

pero minsan may pagkakataon na wala ng sequel

walang part 2

na hanggang dun lang talaga

wala e ganoon talaga ang buhay

abang ka nalang ng bagong pelikula na magugustuhan mo

tas make sure na yun ang best shot mo o kung hindi man

try and try hahahaha

Good Luck!!

 ----

Note: Hi guys! Wala lang hahahaha march na next week congrats nga pala sa mga gragraduate sa march or april! haha ge masaya ang buhay! Thanks sa pagbabasa halabsho!

Book of Advices ( situations of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon