Gaano mo ba ka kilala yung boyfriend/girlfriend mo?
Ilang years o months na ba kayo magkasama?
Napapasaya mo ba sya?
Masaya ba sya?
Alam mo ba kung ano ang mga gusto at ayaw nya?
Sa isang relasyon, di ba naging kayo kasi
niligawan mo sya o niligawan ka at umoo ka
Boys, bakit mo ba sya niligawan?
ano bang nakita mo at niligawan mo sya?
na attract ka ba sa looks nya?
na attract ka ba sa pag ka witty nya?
sa sense of humor nya?
na attract ka ba sa personality nya?
Girls, bakit ka nag paligaw?
ano bang nakita mo at pumayag ka?
Dahil ba pogi?
Dahil ba kayang bilhin ang gusto mo?
Dahil ba gusto mo din sya?
Dahil ba sa personality nya?
Dahil ba sinabi ng tropa mo na pumayag ka?
Naging kayo na. Sinagot mo na sya, sinagot ka na nya
Pero ano ba talagang alam mo sa kanya.
Pagmahal mo naman ang isang tao
walang 'kasi' walang 'pero', as in mahal mo lang sya
walang dahilan basta mahal mo sya.
Mga pare, eto lang
Trivial things.
Yan yung mga bagay na alam ng karamihan
tipong hindi na kailangan ipagsigawan pa
kasi alam naman ng nakakarami
birthday, blood type, pangalan yung mga ganyang bagay
yung gusto at ayaw nya
yun bang medyo obvious na naman :)
Big things.
Ano ba itoooo,
Ito siguro yung mga pwede mong gawin
Tipong surprises with the help of family and friends
Sa big things yung cliche ba.
Yung mainstream.
Example pag nag date kayo may flowers, may plushies (teddybears o ano man)
Yung alam mong makakapagpasaya kay girlfriend kasi ganun naman palagi.
Ganun na simula palang noon hahaha. Tipong ubos pera ka.
Oo masaya sa feeling na alam ng taong mahal mo ang Trivial things about sayo, miski narin ang big things pero ang mas masaya at mas masarap sa feeling ay yung LITTLE THINGS
Oo little things, pero wag mong maliitin.
LITTLE THINGS
Dito sa little things, ito yung mga bagay na
hindi obvious.
hindi kapansinpansin.
Yung mga little things na mapapansin mo
pag magkasama kayo
pag kasama nya ang friends nya
pag kasama nya ang family nya
Yung kung paano ang gesture nya pag kinakabahan sya
Yung kung paano sya pag naiinis sya, yung miski inis at galit na sya
may cute side parin pero minsan di obvious kasi
pag inis sya, inis ka na din hahaha
Pag natutuwa sya yung sound ng pagtawa nya
na loud ba o silent laugh lang
Yung kung paano sya matulog ayaw nya ng naka curl up
o kung nagsasalita sya mga ganung bagay
Yung kung ano ang ayaw nya pero hindi nya pinapahalata na ayaw nya
tipong convincing na gusto nya nga pero deep down ayaw nya.
Yung ayaw nya pero ginagawa parin nya
Yung ayaw nyang ipahawak buhok nya kahit kanino
pero deep inside gusto nyang i-pat mo lang ang head nya
at kung ano-ano pa
Yung little things na HINDING HINDI mo mapapansin pwera nalang
kung binibigyan mo talaga sya ng ATENSYON
Yung mapapansin mo lang pag pinapanuod mo sya
Yung mapapansin mo lang pag gusto mo talaga syang makilala talaga
Mga pare, siguro ang little things parang sus kailangan pa ba yan?
Pero kasi ang sweet lang na alam mo yung mga bagay na yun
Yung HINDI kapansin-pansin pero NAPANSIN mo.
Minsan o madalas akala natin napapasaya na natin yung mahal natin
through gifts, through doing our best (pero ginagawa mo nga ba ang best?)
Pero hindi
minsan yung little things yun yung makakapagpasaya
Hindi mo naman kailangan gumastos para mapasaya sya
Why not come over sa house, movie marathon kayo,
play games, o punta sa park mag stroll, kain ng street foods.
Why not try something na HINDI cliche, HINDI mainstream
tipong UNUSUAL
Mga pare,
yung simple gestures masaya na yang mahal mo
yung simpleng i love you with sincerity masaya na sya nun
yung simpleng i miss you
simpleng random messages
lalo na ang PRESENCE mo.
If anniversary nyo o monthsary oo gifts you need it
but that doesn't mean na they WANT it.
Pag na skip mo yung araw na yun kasi may inasikaso ka at sinabi mong babawi ka
ITS NOT THE SAME ANYMORE.
Ang celebration ay sa araw na yun HINDI bukas.
Simpleng magkasama lang kayo kahit walang surprise o gastos ayos na.
Kung may inasikaso ka why not give her/him some time
kahit 1hr.
mga ganung little things.
So mga pare,
Pay attention.
Watch over.
Enjoy and take time to get to know each other more
Try to understand :)
Ayos?
![](https://img.wattpad.com/cover/414291-288-k916163.jpg)
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
MizahSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...