SITUATION 132: AKO NALANG, AKO NALANG ULIT.

631 8 0
                                    


Paano kung humingi ulit sya sayo ng chance?

Chance na maging kayo ulit.

Chance na magkabalikan kayo.

Chance para ayusin ang mga mali.

Chance para sa inyong dalawa.

Chance para sa 'happiness' at 'forever' nyo.

Papayag ka ba?

Yung sinabihan ka ng

'Ako nalang, ako nalang ulit'

'Tayo nalang ulit'

Tipong oo mahal nyo ang isa't isa, minahal nyo ang isa't isa at miski anong mangyari

mamahalin nyo parin ang isa't isa pero ang sakit sakit na.

Yung nalimutan mo na kung sino ka.

Yung kung ano ka bago mangyari ang 'kayo'

Yung sparks nyong unti-unting lumalabo.

Yung space sa pagitan nyo na dapat close na e lalong lumalaki.

PAANO NGA BA?

ANO GAGAWIN KO?

TATANGGAPIN KO PA BA?

Mayroon kasing ibang tao na 'Hindi na' pero sa huli 'Oo payag ako', 'Sige tayo na ulit'

Ano ba ang love? ano ba ang relationship?

Yung love naging game

Yung relationship naging relationshit.

Oo TAE (Trial And Error) ang love at relationship, pero di ibig sabihin na

pag may mali ka at na dead ka e mag re-re spawn ka ng paulit-ulit.

Miski sa game ang pag respawn may limit, sa relasyon pa kaya?

Paano mo masasabi na tama na sobra na?

Siguro yun ay kapag sa tuwing makikita mo sya

Ang maiisip mo ay yung 'sakit'

At hindi yung 'saya'

Yung maalala mo e yung 'pagka-broken mo'

Yung 'bitterness'

Sa halip na

'good memories' at 'moments nyo'

Yung 'kilig vibes'

At masasabi mo na tama na at di na pwede

Kapag sa tuwing iniisip mo yung idea na 'kayo na ulit'

Wala ng sparks.

Wala na yung 'dati'

Yung alam mong 'wala ng babalikan pa kasi sira na'

Yung alam mo na binigay mo lahat,

Lahat ng effort at chances pero 'wala parin'

Yung kapag naisip mo na 'ayusin muna ang sarili'

Yung kapag gusto mo na muna unahin sarili mo

At I fix at hanapin yung nawalang ikaw ng dahil sa nangyari.

Tol , hindi naman masama yun.

Hindi masama na unahin ang sarili

Hindi masama na ayusin mo muna yung sarili mo

Hindi masama na hanapin ang nawala.

Hindi masama na maging Malaya

Hindi masama na maging masaya.

Natural lang yan, lalo na kapag alam mong

Binigay mo na ang lahat ngunit hindi sapat

Kapag alam mo namang

You gave chances simula palang nung kayo pa pero

Wala parin talaga hindi nya tinake

At kapag alam mong

Hindi ka na masaya

Kung may nawala may papalit.

Kung may umalis may darating.

Yung mas okay.

Paano mo naman masasabi na GO LANG.

Yun ay kapag nakita mo sya nandoon parin yung spark.

Yun ay kapag nakita mo sya tapos maalala mo yung saya

Yun ay kapag nakita mo sya miski masakit masasabi mo na ayos lang.

Yun ay kapag alam mong worth it lumaban.

Yun ay kapag alam mo na sa second shot na to hindi mo sasayangin.

Yun ay kapag alam mong sya talaga yung kukumpleto sayo.

Hindi masama na makipagbalikan kung sya yung magpapasaya sayo at dyan kayo masaya.

Hindi masama na makipagbalikan kung alam nyo sa isa't isa na hindi nyo na uulitin yung mali nyo dati.

Hindi masama na makipagbalikan sa isa't isa kung yan ang gusto nyo pareho.

Kung makikipagbalikan ka or magkakabalikan kayo

Ayusin nyo lahat ng gusot nyo.

Ayusin nyo sarili nyo

Mag usap kayo at alamin yung 'saan ba ako nagkulang?'

Tapos wag nyo na sasayangin yun.

Kung hindi mag work the second time around?

Edi baka hindi talaga kayo ang meant to be :)

Wag nyo na ipilit pareho lang kayong masasaktan.

Kung kayo, kayo.

Kung hindi, edi hindi.

:)

Basta alam mo sa sarili mo na hindi ka mag re-regret sa desisyon na ginawa mo

at siguraduhin mo na masaya ka at doon ka talaga masaya.


Book of Advices ( situations of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon