BABALA: Mag iingat ka sa pipiliin mong mahalin baka ma danger zone ka,
Anong ibig sabihin nito
Alam na nama siguro natin kung ano ang FRIENDZONE,
yung hanggang friend lang tingin sayo nothing more nothing less
SAKLAP DI BA?
Bukod dito meron pang:
SIBLING ZONE
Yung tinuturing ka lang niya na parang kapatid
PANTY ZONE
Ginawa kang panakip butas
RHADZONE
Yung nakilala mo sa internet nagkagustuhan kayo pero nag hihiwalay din
DAWN ZONELUETA
yung mahal mo mahal ka pero di pwedeng maging kayo kasi taken na kayo pareho
GERALD ANDERZONE
Shino-shota ang best friend ng ex niya
at kung ano ano pang ZONE
sa ganitong pag kakataon ano ba ang dapat na gawin ng isang tao?
ng isang umiibig?
Sa pagkakataong na SIBLING ZONE ka
tanggapin mo nalang, miski masakit kasi mahal mo pero mahal ka rin niya PERO BILANG KAPATID nga lang. It is either manatili ka diyan at magpaka martir, o yung unti unti kang didistansya ng kaunti para maka move on pero hindi mo parin sya iiwanan kasi mahalaga sya sayo.
PANTY ZONE
minsan o kalimitan ito yung naiisip na paraan ng isang tao para mapalapit at maramdaman niyang mahal sya ng taong mahal niya, PERO SOBRANG MALI NITO
Kung alam mo na mahal ka niya at iniwan ka ng mahal mo at sinabi mong pwede bang ikaw nalang? tulungan mo akong kalimutan sya? hindi yun makatarungan kasi una parang pinaglaruan mo lang feelings niya, may posibilidad ding masaktan mo sya, nagsinungaling ka sa sarili mo, miski sabihin mong PIPILITIN KONG MAHALIN KITA HINDI parin kasi yun tama ang pagmamahal hindi yan pinipilit kusa yang nararamdaman. Kaya bago mo yan sabihin yun o mga katagang yun MAG ISIP ISIP KA MUNA
Kung ikaw naman ang sinabihan ng ganon ng taong mahal mo,
PAG ISIPAN MO RIN KUNG TATANGAPIN MO,
Una kaya mo bang masaktan? Dahil baka or may posibilidad na hanapin niya sayo ang katangian ng taong mahal niya na iniwan sya
Kaya mo bang magpaka martir at tanga para lang sumaya sya? Pero tanongin mo sarili mo kung masaya ka? siguro may parte na OO kasi "KAMI NA NG MAHAL KO"
AT higit sa lahat Mahalin ka din kaya niya? Siguro may posibilidad na oo at meron ding porsyento ng HINDI
Kaya pagisipan mong maigi ano bang mas mahalaga? mapasaya mo sya o ang sumaya ang sarili mo?
RHADZONE
Love at first SITE~
Di mo mapipigilan ang sarili mo na mahalin ang isang tao kahit through net lang,
kasi ang love parang BDO it find ways, yung kung gusto may paraan, yung love doesnt have any boundaries,
Pero pag nag mahal ka through Online, wag mo ibibigay ang buong 100% mo kasi pag yan umalis wala ng matitira sayo.
Minsan ang ganitong relasyon ay hindi pangmatagalan (pero saludo ako sa mga nagtatagal.) kasi minsan o madalas ay di niyo pa HUSTONG kilala ang isat isa minsan hindi mo alam kung SIGURADO ba sya o seryoso sya.
Pero sa kahit anong mangyari love is love, kung maging kayo at iniwan ka niya
MOVE ON CONTINUE LIFE FIND AGAIN :D
DAWN ZONELUETA
maraming ganitong pagkakataon na minsan miski taken pa e
nakakaramdam ng love sa isang tao lalo na kung hindi sya nabibigyan ng atensyon
hindi natin masisisi kung magmahal tayo o mangyari ito
pero bago mo sabihing ayaw mo na sa karelasyon mo kasi iba na ang mahal mo
isipin mo muna kung mahal mo na ba talaga yun o natabunan lang niya ng atensyon na
binibigay niya sayo ang pagmamahal mo sa taong yun
Pero kung talagang wala na okay lang na iwan mo sya kesa mag tangatangahan lang kayo o mag lokohan
Pero wag kang mag eexpect na magiging kayo ng mahal mo at iiwan din niya ang mahal niya or gf/bf niya para lang sayo
GERALD ANDERZONE
hindi mo masisisi ang isang tao kung na attract ito sa best friend ng ex niya and vice versa
kasi minsan di mo mapipigilan at di mo madidiktahan ang puso mo na "WAG MO SYANG MAHALIN ITO ANG MAHALIN MO, SYA SYA MAHALIN MO"
hindi kasi yun ganun, pero awkward nga lang sa mata ng ibang tao
lalo na at alam ng mga ito ang storya ng lalaki/babae at ang ex nito.
Sa pagkakataong ganito ang kailangan ay ang SOBRANG PAG UNAWA at MALAWAK na pag iisip
hindi yung nakapaloob lang sa konsepto na nakatatak sa isipan nila.
Kung mahal mo at mahal ka rin go as long as wala kayong tinatapakang iba
hindi hamak na mas masaya ang KALIGAYAHAN NIYO kesa KALIGAYAHAN nila
minsan lang mabuhay, minsan lang mag mahal.
At kung mahal at nauunawaan ka ng mga tao sa paligid mo
MAIINTINDIHAN NILA, IINTINDIHIN NILA ng walang pag aalinlangan
mahirap sa umpisa pero hanggat kaya at go lang
**
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
ComédieSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...