Alam mo yung tipong
Kakakita nyo palang sa isa't isa
Tapos na inlove sya sayo
Tapos ikaw na fall sa kanya
Tapos naging kayo
Tapos nag break din
hahahahaha
(Di kita pinagtatawanan kung naka experience ka ng ganyan)
Pero nakakatawa lang kasi talaga.
Ang mga bagay na minamadali.
Madali din nawawala.
Tipong spur of the moment lang
Yung kasi bagay sa moment na yun
Sa sitwasyon na yun
Example. Magkasama kayo ng jowa mo feeling mo e perfect yung moment para mag momol
pero hindi pala perfect kasi nasa public vehicle kayo: NASA JEEP kayo.
Alam mo yung nakasakay ka sa jeep tapos may mag jowa kang katabi o katapat
tapos alam nyo yun PDA overload. okay preno.
Pero ito lang kasi yun mga pare.
HINDI naman masama kung mabilis na nangyari ang lahat
Yung mainlove ka agad sa loob lang ng segundo
Ang love kasi wala naman sa tagal ng oras yan e
Kaya nga may tinatawag na 'love at first sight'
Pero ito lang pare. Kung sakali nga na nainlove ka ng mabilisan
Hindi kaya mabilis ka din lang iwan?
Wala kasing challenge.
Aminin man natin o hindi,
minsan yung thrill at pagpapahirap yung nagiging way para malaman natin kung
worth it nga ba ang isang tao o bagay.
Mas masarap kasi pag pinaghihirapan mo ang mga bagay bagay
PERO PERO PERO
Hindi dahil sa naging kayo agad e di na kayo worth it.
Marahil siguro feeling nyo yung isa't isa na ang forever nyo.
Yung kayo na talaga mismo.
May mga ganun kasi, yung ayaw ng pinapatagal ang mga bagay bagay
Yung ang gusto e mabilisan.
WALANG TAO NA WILLING MAGHINTAY o NAKAKAPAGHINTAY TALAGA
Sino ba naman ang gustong maghintay?
Pero di ba dahil mahal mo ang tao nakakapaghintay ka yung tipong
Hindi mo inaakalang magagawa mo e nagawa mo na para sa kanya
Parang iniisip mo na pag may manliligaw sayo papatagalin mo muna
pero marerealize mo rin minsan na mahal mo na sya bat papatagalin mo pa?
Sabi nga ang relasyon ang pinpatagal hindi ang panliligaw.
So Myxgummibear ano ba talaga mas okay?
Yung mabilisan o dahan dahan.
Para sakin eto lang, PAREHO namang OKAY yan e
Kung mabilisan ang nangyari okay lang
Kung dahan-dahan okay din lang, slowly and surely ang peg.
PERO ito lang
pag nasaktan ka o ano
MAS OKAY ANG MABILISAN kesa DAHAN DAHAN
Yung mabilisan kasi, isang bagsakan lang ng sakit
Yung dahan-dahan, paunti unti kang nasasaktan tipong feeling mo para ka ng pinapatay,
***
Kung ikaw ay nasa mabilisang pangyayari relationship
Ayos lang yan, kung sabihin ng iba na ang bilis masyado
wala na silang pakialam doon ang mahalaga naman mahal nyo isa't isa
Wag lang mabilisang mawawala ang relationship na meron ka
dapat hindi mabilisan kundi pang matagalan pero kung sinasaktan ka na, niloloko ka
e mabilisan mo ng iwan wag kang masokista hindi healthy yan.
Basta ito lang, walang masama sa mabilisang nangyayari
Minsan akala kasi natin slow motion ang best at pinaka romantic.
Pero mas romantic ang fast forward, yung tipong walang slow motion na lakad
o paglalapit, kundi fast forward na doon makikita mo na kayo ang para sa isa't isa,
na kayo ang magkasama habang buhay :)
Yung sa kanya mo na makikita yung taong yun. Na ito na, sya na hindi ko na papakawalan pa.
Note:
You can be in a relationship for 2 years and feel nothing, you could be in a relationship for 2 weeks and feel everything. Time is not a measure of love.
:) x
![](https://img.wattpad.com/cover/414291-288-k916163.jpg)
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
MizahSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...