Maraming pagkakataon na kaya hindi pumapasok sa relasyon ang isang
tao ay dahil sa NATATAKOT sya, NAGDUDUDA yun bang nadala na sya sa
mga pangyayari sa kanya,
Yung naloko na sya,
ginago, pinaasa, pinagmukhang tanga
na sa puntong miski masaya na sya biglang darating ang bagyo
at papatumbahin ka.
Pero kung titingnan mong maigi o iisipin mo
lahat ng to lahat ng nangyari sayo
may rason siguro di mo pa makita yun kasi clouded pa ang isip mo
sa mga narasan mo,
Pero sa pagdaan ng panahon malalaman mong may rason ang lahat
at sa pagdaan ng panahon makikita mong
BUO ka na, na hindi ka na matutumba na KAYA mo na ULIT mag mahal.
Hindi solusyon ang mag mukmok
mag patama ang gawin mo bumangon ka
ipagpatuloy mo ang buhay mo
tanggalin mo ang takot at pagdududa sa puso mo
matuto kang magtiwala muli,
siguro ang nasa isip mo ngayon ay MADALING SABIHIN ANG HIRAP GAWIN
o siguro HINDI MO PA KASI NARARANASAN KAYA MO NASASABI YAN
una sa lahat WALANG MAHIRAP SA TAONG GUSTO
at gugustuhin mo kakayanin mo
sabihin ng oo ang hirap magtiwala muli, mahirap mag mahal muli
lahat mahirap sa umpisa, wala namang madali e
pero kung gugustuhin mo lang talaga at gagawin mo ang lahat
makakaraos ka e
makakapagtiwala ka mawawala ang takot mo
una sa lahat ay pagkatiwalaan mo muna ang sarili mo
at pangalawa mahalin mo ang sarili mo
wag mong ibibigay ang lahat
PAANO PAG NAULIT ULIT YUN ? PAANO KUNG LOKOHIN KA ULIT?
PAANO KUNG MATAKOT PAANO KUNG MAGDUDA ULIT? PAANO KUNG HINDI KO NA
KAYA?Pag naulit yun, hindi sila ang may mali kung minsan nasasayo rin
isipin mong mabuti ang nangyari
kung niloko ka ulit hayaan mo sya balang araw magsisisi yan na pinakawalan
nya ang isang gaya mo
pag natakot at nagduda ka ulit ibig sabihin noon
HINDI KA PA BUO na kulang ka pa
KAYA mo yan, LAHAT NG BAGAY KAYA MO KUNG GUGUSTUHIN MO
KUNG GAGAWIN MO ANG LAHAT
sa buhay nating mga tao hindi maiiwasan ang masaktan
minsan mas natututo tayo sa paaraang masasaktan tayo
para mas matandaan natin ito at di na ulitin
WAG KANG MATAKOT
WAG KANG MAGDUDA
DAHIL KUNG BUO KA NA TALAGA makakaya mo ng NGUMITI ang tunay mong
NGITI makakaya mo ng MAGMAHAL muli ng WALANG pag aalinlangan
AT PUNO na ng SAYA ang nasa puso mo :)
TIWALA LANG :D
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
HumorSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...