Masabi lang na may girlfriend/boyfriend
Masabi lang na mahal mo sya
Masabi lang na masaya ka
Masabi lang na swerte ka
Masabi lang.
Tipong KAYO pero LABEL lang.
Tipong KAYO pero HINDI FEEL
Tipong KAYO pero HINDI MAHAL
KAYO PERO WALA NAMAN TALAGANG KAYO!
Pumasok sa RELASYON o nakipagRELASYON para masabing
may GIRLFRIEND/BOYFRIEND na ako.
in short
DISPLAY
DESIGN
DECORATION
ABUBOT
ACCESSORY
ano pa ba?
May mga taong ganito aminin man natin at hindi
may ganyan, anong ganyan?
Yung pumapasok sa relasyon pero hindi naman talaga mahal yung partner.
Sakit di ba?
1. Nakipag relasyon ka kasi naawa ka yung karelasyon mo mahal na mahal ka.
Kung nakipag relasyon ka sa taong yun kasi mahal ka, at naawa ka sakanya kaya umoo ka nalang
o niligawan para sumaya sya. Hindi good yan! Sinong tao ang sasaya pag nalaman nya na
kaya sya niligawan/sinagot ng taong mahal nya e dahil sa naawa ito sa kanya
Siguro yung masoksista na sasabihin e ayos lang mahal ko parin sya
Pero seryoso. Hindi sasaya ang tao out of "awa" Wag kang maawa kung wala kang feelings
ireject mo sya o i friendzone mo nalang. Oo masasaktan sya pero mas masakit yung
kinaawaan mo sya kaya nag signal ka ng go sign. Wag ganun. Paano kung ikaw yun? Sasaya ka ba?
2. Nakipagrelasyon ka para masabi lang, may ma LABEL lang.
Tipong hindi mo naman talaga sya gusto pero dahil gusto mo na IN ka na may LOVELIFE ka
e sumige ka. Hindi healthy yan.
Kung ikaw walang interes sa kanya at ginagamit mo lang sya para masabi lang na may lovelife ka hindi good yon. hindi mo kina-cool yon. hindi mo kinaganda o gwapo yon. kina gago mo yun!
Wag kang makipagrelasyon para masabi lang na meron wag mong lokohin sarili mo.
Wag kang hibang. makipagrelasyon ka kapag handa ka na at mahal mo talaga.
**
Wag mong piliin ang short cut pagdating sa pag ibig
Na kung sino nalang
Na masabi lang
Kasi kung shortcut ang dadaanan mo
mas masakit
mas may ma sasaktan ka.
Wag kang sadista o masokista
Oo hindi naman masama pero kasi
masaya ka ba?
Masaya ka ba sa ganyan lang?
sa masabi lang?
As in yung totoong saya
yung walang halong maskara
walang halong pag pre-pretend
yung bukal talaga dyan sayo.
Wag kang mag madali di ka naman mauubusan
Kung makikipagrelasyon ka
Dapat mahal mo.
Ano man kahantungan ng lovestory nyo
at leat mahal mo.
minahal mo
wag mo ng pag sisihan yun
na bat ka doon na inlove.
Nakakagago ang pagibig
Pero hindi ibig sabihin non e mang gagago ka na din.
Ayos?
Ge kaya mo yan!
![](https://img.wattpad.com/cover/414291-288-k916163.jpg)
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
HumorSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...