Chapter 01

10.1K 165 12
                                    

Ellie's POV:

"ANO ba 'yan? Bagong environment na naman ito! Si Lolo talaga, pasaway eh! Ang tanda na niya, pero trip pa din pakialaman ang buhay ko! Paano na ako ngayon nito? Baka api-apihin lang ako dito." Napabuntong-hininga ako. Nananaginip lang naman siguro ako di ba? Paano nga ba ulit ako nahantong sa ganitong sitwasyon?

Ako nga pala si Ellie Rush Alonso. Oo, iyan talaga ang pangalan ko. Ewan ko ba kung bakit ganyan ang ipinangalan nila sa akin. Pwede namang Maria lang. Aish! Ano bang kasing pamilya ang napasukan ko? Utak nila malabo. Akala tuloy ng ibang tao, basta mapakinggan nila ang pangalang 'yan, lalaki kaagad. At ang pinakamalala pa nito, itinatanong pa nila tuwing nakikita nila ako kung bakla daw ba ako.

Ghaaaad! Anong problema nila sa 'kin? Pangit ba ako? Mukha nga ba akong bakla? Eh kasi kahit Maria lang okay na. May gano'n pa silang nalalaman. Nakakaloka!

Okay, back to my story. Iyon nga, ang pangalan ko (Panglalalaki talaga siya). Seventeen years old ako turning eighteen sa May 25, 2014. Bale five months from now. Bakit nga ba ako nandito? Ayun, pinalipat lang naman ako ng pasaway kong lolo sa University na pinapasukan ni ate Ichiko para daw makilala ko ang asawa ko.

A-S-A-W-A?!

Hoy! Ano yung asawa? Aswang yata? Hindi eh, tama yung narinig ko kay lolo. Asawa nga talaga ang narinig ko. Kitams? Sabi sa inyo eh, magulo ang lolo ko. Ni wala nga akong boyfriend. NBSB kaya ako. Kaya paano ako nagkaasawa? Ipinagkasundo niya lang naman ako sa apo ng kaibigan niya. Para daw kapag nawala na siya ay may mag-aalaga sa akin.

Ang bait talaga niya! Mahal na mahal niya ako... sa kabaligtaran.

Oo. Hindi naman talaga ako ang favorite ni lolo. Eh anak lang naman ako sa labas ni papa. Si ate Ichiko naman talaga ang legal na anak ni papa. Sa pangalan pa lang, babaeng-babae na. Sa mukha pa kaya? Sige! Siya na ang pinagpala! Bakit kaya hindi kay ate Ichiko niya ginawa 'yon?

Ay ewan! Ako naman ang lagi niyang pinapahirapan. At wala siyang pakialam sa akin. Ni hindi niya nga ako iniimikan. Minsan, kung kailangan lang. Minsan nung nag-uusap kami tinanong ko siya.

Flashback

"Lo, ayaw n'yo po ba sa 'kin? Ginawa ko naman po lahat ah. Nagpakabuti po ako sa pag-aaral para po matuwa kayo. At saka hindi po ako nagbabarkada at gumagawa ng gulo." paliwanag ko pa sa kanya.

"Ellie, ayusin mo nang lahat ng mga gamit mo at mag-impake. May pupuntahan tayo ngayon."

Iyon lang ang sagot niya sa akin. 'Yan si lolo. A man of few words, ika nga. Ang sarap talagang i-kiss ni lolo! Ang cute-cute!

"Okay po, Lo." Sagot ko na lang.

Dumeretso na ako sa kwarto at nag-impake. Habang nag iimpake, napaisip ako. "Saan naman kay ako ipapatapon ni lolo? Nakakalungkot naman. Mami-miss ko itong bahay at saka itong kwarto ko."

Sinipat ko ang buong kwarto. Maliit lang naman ang kwarto ko. May isang kama, isang maliit na mesa para makapagbasa at makapagsulat, electric fan at isang maliit na dresser na gawa pa sa plastic. Hindi katulad ng kwarto ng ate ko. May walk-in closet siya at sariling banyo pa. Sabi sa inyo eh. Hindi nga kasi ako ang favorite ni lolo. Lalo pa at anak ako ni papa sa labas.

Ah, si papa? Deads na eh. Magkasama sila ni mama sa kabilang mundo. Rest in peace mama and papa.

Magkasama kasi sila noong naganap ang aksidenteng ikinamatay nila, isang car accident. Ang legal na asawa naman ni papa na si tita Matilda ay nakatira din dito. Kaso masungit 'yon kaya hindi ko masyadong kinakausap.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon