Chapter 21

2.4K 52 6
                                    

A/N: Hey, Millionaires! Sorry sa late update. Naging busy lang ako sa work. Huhu. Nag train din pati ako ng new hires namin. So ayun, on and off yung sakit ko sa sobrang pagod. Anyways, enjoy readiiiiiiinnnnggg!!!

====================================================

Nanood na lang ako ng TV habang yakap ko yung Frog Princess.

"Umboy." Napalingon naman ako sa pintuan at nakakita ako ng isang bullfrog na pwede nang ilunod sa ilog pasig.

"O? Anong kailangan mo?"

"Tss. I'm just gonna ask kung wala kang ginagawa?" umiwas siya ng tingin sa 'kin.

Ano meron? Ang pula nanaman ng tenga nito?

"Ay meron. Grabe! Andami ko ngang ginagawa o! Nakahiga lang ako sa kama. Saya! Try mo!" medyo may pagkasarcastic ang pagkakasabi ko nun.

Asar kasi. Mukha ba akong busy?

"Aish! Nevermind. Wag kang sasama sa Yvo na yun, understand?" Hala. Nag-utos pa.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Pa'no kung ayaw ko?" Eeeekkk! Katakot! Wrong move ka nanaman Ellie!

Tumakbo pabalik sa kama at nasaklob ng kumot. Maya maya pa'y sumilip ako para tingnan kung umalis na siya. Nung nakita kong nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya, nagsaklob ulit ako ng kumot ko.

Napabuntong-hininga siya.

"Whatever. Magbihis ka nga. May pupuntahan tayo."

Bigla akong sumilip pagkasabi niya nun. Lumabas na pala siya.

Saan naman daw kaya kami pupunta ngayon?

"P-prince. Ano namang gagawin natin dito? " sinipat ko ang paligid ko

Hulaan nyo kung nasan kami?

Sa isang arcade place lang naman.

"Kakain tayo. Food court 'to eh." Hahaha. Nice joke. Ngitian ko lang siya na may pagkasarkastiko.

"Pwede nang tumawa? Seryoso naman kasi." Inis na sabi ko sa kanya.

Argh! Kung anu-ano kasing pakulo!

"Let's have a deal. Kapag ako nanalo sa Tekken, you will listen to me and stay away from that guy, Yvo. But if I lose, you'll stay away from that monkey."

"Leche ka! Iisa lang yun. Ganito na lang, Kapag ikaw ang nanalo, magiging slave mo ako for the rest of the week. Kahit anong utos mo, susundin ko. Pero kapag ako ang nanalo. Hahayaan mo na ako sa gusto ko at hindi mo ako kokontrahin. Ano? Deal?" iniabot ko pa sa kanya ang kamay ko at nag-shake hands kami.

"Deal." Nag-smirk siya.

Nagpapalit na kami ng coins at umupo na kami sa harapan ng arcade.

"WAH! Ang sarap ng ice cream!" Wahahaha. Nilibre ako ni Frog Prince! At akalain niyo ba, parehas din kami ng favorite na flavor?

UBE!

Isang king size cup yun tapos hati kami. Nandito nga pala kami ngayon sa isang ice cream parlor.

Alam nyo ba kung sino ang nanalo? Siya.

Hindi naman kasi ako nakakapag-laro ng arcade simula nung bata pa ako. Puro board games lang ang alam ko. Hindi din ako nag-babarbie dahil puro kay ate Ichiko napupunta lahat ng dolls. Pero naka-reiceive ako once ng Teddy bear galing daw kay Lolo, sabi ni Mama. Pero alam ko na si Papa ang bumili nun. Kahit kelan naman ayaw sa akin nina Lolo eh. Si Papa at Mama lang ang nagmamahal sa 'kin.

"So, Umboy. Pa'no ba yan? A deal's a deal." Hanep ka! Ipinaalala mo pa!

"Oo na! Leche Flan! Ipaalala pa." pagkuha ko ng ice cream. Malaki pala yung nasandok ko. Nasamid tuloy ako. Hinaplos naman ni Prince ang likod ko.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon