Ellie's POV:
Iminulat ko ang aking mga mata at medyo napakurap kurap pa para magising ako ng tuluyan. Sinipat ko ang aking paligid at napansin kong nasa isang kubo ako.
Teka. Bakit nga ba ako nandito?
Muli kong sinipat ang paligid. Sandali, kaninong bisig itong nakapalibot sa akin. Hindi siya nakayapos sa akin. Pero naka patanong sa tuhod ng kung sinumang nasa likod ko. Bigla kong naramdaman ang pagpatong ng isang bagay sa kaliwang balikat ko. Napalingon ako sa isang HOT –este Frog Prince na katabi ko.
Shet!
Hindi nya naman ako ginising eh. PRINCE NAMAN EH! BAT MO IPINATONG YUNG ULO MO SA BALIKAT KO? Ramdam ko tuloy yung paghinga niya sa may leeg ko.
Amp! Ellie! Behave! Tandaan mo, isang bullfrog na Frog Prince ang kasama mo. Makakauwi pa ba kami?
"Prince.. Wui. G-gising."
"Hmm? Let me sleep more."
"Hala. Wala na pong ulan. Pwedeng sumandal ka na lang sa dingding? Medyo nakakangalay po."
"Huh?" napatayo siya. Tumayo na din ako.
Napaiwas kami ng tingin sa isa't isa. Napansin kong hindi maintindihan ni Prince kung saan siya pupunta. Hahaha! Natataranta? Anyare sa taong 'to? Narinig ko siyang napabuntong-hininga. Ako naman si clueless pa rin, nagtataka kung anong nangyayari sa taong to.
"Tsk. Let's go." Hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako palabas.
"Grabe. Nilalamig pa ako."
"Then move faster so we can get changed."
"Temper mo Prince. Bat ang init na naman ng ulo mo?"
Weird nga eh. Ang sweet nga niya kagabi. Kinomfort niya ako. Kinilig ba kayo?
Ako kasi...
Slight?
Hahahaha
Kala niyo ha? Hinding hindi ako magkakagusto sa isang bully na Frog Prince. Never ever!
Ev-
"Oy! Teka! Ibaba mo ko!" Wah! Buhatin daw ba naman ako.
"Psh. You're too slow. Mamaya magka-"
Hachoo!
Hachoo!
"Sipon ka... tss. Kakasabi ko lang. Tigas kasi ng ulo mo. I already told you to go home yesterday." Nakatitig siya sa 'kin.
Eh naman eh! Buhat niya kaya ako na parang bride niya. Tapos tititigan niya ako ng ganyan. Di ba sobrang.. CLOSE?!
"Wah! Ibaba mo na ako!"
"A-yo-ko"
Hachooo!
Hachooo!
"Tss. Cover your nose whenever you sneeze. Baka malipat sa 'kin ang virus mo."
"Sama mo! Natatakot ka na mahawaan pero ayaw mo naman ako ibaba."
"Because you're too slow when walking. Baka mamaya hindi ko napansin hinimatay ka na dyan sa likuran ko habang nag-lalakad."
" Frog Prince."
"Umboy."
"Isa."
"Tatlo."
"Aish!"
BINABASA MO ANG
I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]
Teen FictionPano kung one day malaman mong kasal ka na pala? How would you deal with a stranger whom you'll be calling your "husband"?
![I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/3644966-64-k254904.jpg)