Chapter 14

2.4K 48 4
                                        

Ellie's POV:

Gabing gabi na nang makarating kami sa bahay. Napumilit din kasi ako eh. Kaso kinailangan ko pang gawin yung ilang test bago ako lumabas.

Buti na lang talaga at napilit ko si frog Prince. Tumawag rin si lolo Greg kanina. Chineck niya lang kung okay na ako at kung nakalabas na kami ng hospital.

Baka kinausap siya ni Prince tungkol sa pagpupumilit ko sa kanya. Kaya siguro pinayagan na rin ako ng doktor na makalabas after ng mga test na yun.

Whew! Nakauwi din sa wakas. Haaay... Kapagod! Kala ko hindi na ako makakalabas kanina, Buti nandun si Prince at pinilit niyang buksan yung pintuan. Hindi lang pinilit, sinipa pa. Ewan ko lang kung nabayaran niya na din yung pintuang sinira niya.

Pagkababa ng kotse, ipinagdala ako ni Prince ng gamit at inalalayan.

"Hey, are you alright?"

Tumango na lang ako. Sa totoo lang kasi. Nawewirduhan ako sa kanya. Nakakapanibago lang din.

Pagkapasok namin ng kwarto ko, ibinaba niya yung bag ko.

"Baba lang ako. I'll call you when it's dinner time. You need to eat. Para lumakas ka kaagad."

Ngnitian nya ako. Tumango na lang ako bilang sagot.

Pagkaalis niya, napahinga ako ng malalim. Humiga ako sa kama at nakatulog. Nagising lang ako nung nakaramdam ako ng uhaw.

Bumaba ako kahit tinatamad ako. Nang marating ko ang dulo ng hagdan may naamoy ako.

Ano yun? Bakit amoy sunog?

Nanlaki ang mata ko. Hala! May nasusunog!

"Manang?" Sino bang nag luluto dun sa kusina? Sina manang lang ang alam kong nagluluto dun eh.

Sumilip ako sa kusina. Eh? Si Prince? Hahahaha. Nakakatawa. Nagpiprito na lang lumulundag pa.

"Pft." pinipigilan ko lang talaga tumawa. "Prince, ano 'yang niluluto mo?"

"Fried rice. Manang taught me how. But she suddenly left. Iniwan naman ako sa ere. Tss."

Kawawa naman ang asawa ko.

Hahahay! Asawa? Okay, friend lang. Hindi ko talaga kayang tawaging asawa 'to no! Medyo close na din kami kaya friend lang.

No choice, baka puro abo na lang makain ko mamaya.

"Ako na d'yan. Marunong naman ako magluto eh."

"No, umboy. You're still not well. Just sit there and watch." Nag labanan pa kami ng titigan. "What? I'm just concerned about your health."

Concerned? Bakit hindi mag sink in sa utak ko yung sinabi niya? Concerned talaga siya?

Kung sabagay, pagkatapos ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, mukha nga siyang concerned.

"Pero..."

"No more buts, Ellie. I don't want to argue with you right now. Just sit back, relax and enjoy your view. I'll be done in a bit"

Haaaaaysss! Ayoko rin naman ng away ngayon. Kung pwede nga lang buong taon kaming ceasefire eh. At saka feeling ko nanghihina pa rin ako. Kahit puro higa at tulog lang ako sa kama.

"Sige. Tuturuan na lang kita magluto sa susunod. Para naman hindi na amoy sunog kahit prito lang yan."

Pero sa hinabahaba din ng pangungulit ko, kinuha ko pa rin sa kanya yung niluluto niya at itinuro kung pano.

Ayoko kaya kumain ng sunog. Kawawa naman yung tiyan ko. Kapag nagkataon, baka maospital na naman ulit ako.

Buti na lang at good boy ito ngayon. Marunong sumunod sa instructions. Natutunan din niya kahit papaano.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon