Chapter 23

2K 53 3
                                        

A/N: Sorry guys natagalan yung update. Sobrang busy lang with work and a lot of my automation projects. Anyways, sinong pupunta sa MIBF on September 16?

See you when I see you! Hehehe

========================================================

Ellie's POV:

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nag-away sina Lolo Greg at Prince.

Ang epal kasi, sinagot-sagot pa kasi ang Lolo niya. Tuloy, nasampal siya. Nagkaroon pa siya ng cut sa labi.

Napabuntong-hininga na lang ako. Saan kaya nagpunta yung taong yun? Ano na kayang nangyari sa kanya?

Nagulat ako nang mapansin ko kung nasaan na ako ngayon. Hala! Practice room 'to ng Princeton Dance Troupe ah. Oo nga pala, hinahanap ko pa rin siya ngayon. Padalawang araw na siyang hindi pumapasok.

Kahapon hinanap ko din siya. Pumunta din ako dito kaso wala siya.

Sa bahay naman, nagigising ako sa madaling araw at napapasilip sa kwarto niya. Pero hindi pa din siya umuuwi. Saan ko ba hahanapin ang taong yun?

Pwede pa naman kasi silang magkabati ng Lolo niya kung mag-sosorry siya. Bakit kasi ubod ng pagka-FROG PRINCE ang taong yun? Napailing na lang ako.

Gutom na ako. Maya maya pa'y narinig ko ang pagrereklamo ng aking tiyan.

Kakasabi ko lang kanina.

Dumeretcho ako sa canteen at kumain ako ng sandwich. Hindi ko kasama si ate Tin ngayon dahil nilalaganat daw siya. Kakareceive ko lang ng text niya kaninang umaga.

"Ellie" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Yvo pala. Nilapitan niya ako .

"O, Yvo." Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

Napansin kong may pasa pa rin siya sa mukha.

"What?"

"Tsk. Yung pasa mo."

"Don't worry about it."

Bigla kaming natahimik. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko. Na-o-awkward ako. Ako ang nahihiya sa ginawa ni Frog Prince. Gumawa siya ng gulo sa birthday ng mommy ni Yvo.

"Wui, sorry nga pala sa inasal ni Prince. Nakakahiya tuloy sa mama mo."

"Tss. She was expecting it anyway. Alam nya na mag-asawa kayo since sinabi ko sa kanya. She invited Chairman Montereal without letting me know. Magkakilala sila ni mommy since my mom is also a businesswoman."

"Tsk. Kahit na."

"You shouldn't say sorry for something you didn't do."

Pero kasalanan ko nga. Hindi niya ako pinayagan pumunta pero pumunta pa rin ako. Sinundan niya naman ako.

Muli kaming natahimik.

"By the way, where's Prince? I haven't seen him around since yesterday."

Napapout ako at tumungo.

"Hindi ko din alam. Grabeng mag-rebelde ang tao na yun!" tinapos ko na ang kinakain ko at uminom ng tubig.

"Ellie, can I ask you a favor?" tumango ako.

"Kapag nagkita na kayo, pwede mo ba akong tulungang makipag-usap sa kanya?" tumango ako at ngumiti.

**************************************

Nag-lalakad ako ngayon sa hallway.

Bumalik kaya ako sa practice room? Napailing ako. Bakit ko nga ulit siya hinahanap?

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon