Chapter 02

4.9K 101 2
                                    

Ellie's POV:

BALE NAGULANTANG  ako sa narinig ko. Alam niyo yung painting ni Mona Lisa? Yung mukha niya dun, gano'n na gano'n ang mukha ko ngayon.

Anong sinabi niya? Pwede pakiulit? Tama ba ang narinig ko? Wife? So, siya ang asawa ko? Ooohhh myyyyy golly!!! Totoo?

Sinampal sampal ko ang mukha ko.

Kaliwa.

Pak!

Kanan.

Pak!

Masakit din 'yon ah. Back to earth Ellie! Baka mali ka lang ng rinig. Hindi ako nakatiis at tinanong ko siya.

"What did you say? Wife? You mean you and me?" Wow! Nag-E-english ako no! Hehe. Marunong naman ako, hindi ko lang masyadong ginagamit kasi Pilipino ako. Kaya Tagalog salita ko.

"Yes! Lucky you, you are my wife!" Inilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin.

Ano ito hahalikan ba niya ako? Oh God! Huwag naman po sana. Wala pa ako first kiss eh.

Nung tipong ilalapit ko na rin mukha ko at sa tingin ko'y nagbabadya na siyang halikan ako, ipinikit ko ng dahan-dahan mata ko. Napanguso pa ako.

Nang bigla niya akong pinitik sa noo!

"Aray!" Napasigaw ako.

"What were you thinking? You think I'm going to kiss you? Well, sorry. Stop dreaming! I'm just checking if my wife is beautiful. But I guess you're not. I never expected that my wife would be someone as awful as you are." He smirked again.

Talaga naman oh! Napakayabang talaga nito. Porke't gwapo siya, kung makapanlait, wagas. Ang ganda ko kaya! Hehe.

"Sino ba kasing may sabi sa 'yong gusto ko ang kasal na ito. Hello? Wala rin kaya ako alam no. Kanina ko lang nalaman."

Teka, kailan niya kaya nalaman ang tungkol sa kasal?

"Ikaw? Kailan mo ba nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Well, I don't even care where, when and how you found out about it. I just want you to know that I don't like this marriage either. And if I were you, I would back off now because I would never EVER like anyone like you. Such a low-life-"

Slaaaaap!

Oo! Sinampal ko siya! Low-life? Aray ang sakit no'n ah!

Oo, galing ako sa public school. Pero hindi ibig sabihin no'n eh napaka low-life na ang isang tulad ko! Valedictorian kaya ako. At saka hindi porke't mayaman siya, sasabihan na niya akong gano'n.

Nagtatakbo ako palayo sa kanya. Nararamdaman ko na rin kasing namamasa yung mga mata ko. Baka lalo lang niya ako laitin at sabihan pang "weak" kapag sa harap pa niya ako umiyak.

Ganun ba yung uri ng lalaking pakikisamahan ko? Parang hindi naman ako umalis sa bahay. Sa bahay kasi lahat masungit, mapanlait at galit sila sa akin.

Lumabas na lang ako sa university. Pupunta na lang ako sa lugar kung saan kakaunti ang mga tao.

Dinala ako ng mga paa ko sa parke. Kakaunti lang ang nakita kong tao. May mga batang naglalaro sa slide. Kasama nila magulang nila. Kung nabubuhay lang siguro sina mama.

"Ma, I miss you."

At doon ko na naramdamang may mainit na likidong lumalaglag sa pisngi ko. Itinuloy ko na lang at humaguhol na nang tuluyan.

Ang unfair n'yo naman, Mama, Papa. Bakit kailangan n'yo akong iwanan mag-isa?

Nakakainis naman yung lalaking yun. Napakayabang! Kala mo hari ng mundo! Sobra naman siyang makapanlait!

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon