Ellie's POV:
AY! SEVEN KA!
Nagulat ako sa tunog ng alarm clock na malapit sa tainga ko at nahulog ako sa kama.
"Aray," sapo-sapo ang pang-upo ko. Ang sakit kayang mahulog sa kama. Alam nyo?
"Ate Issay naman eh." Nagulat ako nang mapansin kong hindi si ate Issay ang may hawak ng alarm clock. Hala sino to?! Medyo blurry pa vision ko kapag bagong gising eh.
Kinurap-kurap ko pa ang mata ako at inilapit ng kaunti ang mukha ko sa taong katabi ko.
"What? Are you just gonna stare at me, Umboy?"
"AY! FROG PRINCE KA!" si Prince lang pala.
"That's my Umboy." Medyo natawa pa siya. Lecheng bullfrog 'to. "Anyways, we're going to have breakfast. Please get ready." Tumayo ako. Oo nga pala. Thursday ngayon.
May pasok pa. Nak naman! Tinatamad pa ako eh. Ilang araw akong walang pahinga dahil sa pag-aalala kay- AY! Wala pala! Basta! Wala pa akong matinong pahinga.
Humiga uli ako sa kama.
"What the- Umboy! Stand up!" Hinila ako ni Prince gamit ang dalawang braso ko.
"5 mins pa. Mauna ka na kung gusto mo. Ilang araw akong pagod at walang pahinga dahil sa'yo. Nagkasakit pa ako. Sheesh!" AY! LESHE! Nadulas pa!
Bigla akong nagtalukbong ng kumot. Sumilip ako mula sa kumot ko at nakita kong nakasmirk siya sa akin. SHET! Bakit ba ngayon pa nadulas?! TAKTENG DILA! WRONG TIMING KA TEH!
"What was that Umboy?"
Nagtalukbong uli ako.
Shet! Shet! Wag kang lalapit! Baka mahampas kita ng lamp dyan eh! Wah! ang shunga ng dila ko!
Ay! Dila ang sinisi? Hindi yung nagsalita?
"Wala. Sabi ko mauna ka na. Baka mamaya na lang ako pumasok. Masama ang pakiramdam ko."
Wah! Tinanggal niya yung kumot sa may ulunan ko!
"Hindi eh. May iba kang sinabi." Hala! Nagtagalog na!
"Wala nga sabi." Isasaklob ko na sana uli yung kumot ko kaso napigilan niya.
"No, I know you said something."
"Wala nga."
"Meron nga. Tsk."
Nagulat ako sa ikinilos niya. Forehead to forehead ba naman? Napapikit na lang ako. Sige Ellie, pikit lang. Wala namang mangyayari eh.
"Era, you're fine. Are you really not feeling well?" Pikit lang Ellie. Wag kang mumulat. Please lang. Para makahinga ka pa.
Bakit hindi ako makahinga? Ahuhuhu. Naninikip yung dibdib ko. Puso ko, kumalma ka.
"O-oo. Sige na, lumabas ka na. Mauna ka na kasing pumasok." Lumayo siya ng konti at hinila yung kanang kamay ko.
"I'm not leaving this house without you. Now, take a bath, get dressed and I'll wait for you outside and we'll have our breakfast. Understand?" Tumango na lang ako.
Mas prefer ko pa yung bossy mode siya. Kesa naman dun sa *ehem* isang mode na hindi ko alam kungg ano bang dapat itawag dun.
Teka. Ngumiti siya? Good mood ba sya? Ako kasi hindi. Leshe naman oh! Gisingin ba nanaman ako ng pagka-aga aga.
Malamang, Ellie! May pasok nga di ba?
Pagkadating namin sa school, medyo bago ngayon kasi sabay na kaming pumasok. Okay. Hindi as in sabay. Medyo nauuna lang siya ng konti sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]
Teen FictionPano kung one day malaman mong kasal ka na pala? How would you deal with a stranger whom you'll be calling your "husband"?
![I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/3644966-64-k254904.jpg)