Chapter 22

2.2K 55 4
                                    

Ellie's POV:

"Elle...." napalingon ako kay Yvo.

Wahahaha! Naparami ba ako?

Si ate Tin kasi, para daw masanay ako sa mga ganito.

"Are you okay?"

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"So, uhm.. can I have this dance?"

"Sus! Yun lang pala. Sure!"

Lumingon ako kay ate Tin. May kaaway pa yata siya sa phone?

"Don't worry, ibabalik pa kita kay Kirsten." Tumawa pa siya.

"Ang kulit mo. Tara na nga." Yun na lang nasabi ko.

Pumunta na kami dun sa center ng venue. May mga couples na nagsasayaw din. Kaso, parang nakakailang bigla?

Eh kami lang kasi yung hindi couples dito.

"So... totoo bang kasal kayo?" Ang weird ng tanong ha?

"Hindi ah! Joke lang yun. Baliw lang yung amo ko." Please kumagat ka na lang sa biro ko.

"Hahaha.... Was that just an endearment?"

"Mas lalong hindi yun endearment. Pang-asar niya lang yun sa 'kin."

"Ah, I see."

S-I-L-E-N-C-E

"By the way, you look so beautiful." Otso! Bakit ang gwapo niya? Tas yung ngiti niya nakakamatay! Enebe!

Napaiwas ako ng tingin.

"T-thanks."

"Hahaha... ang cute mo mag blush, Elle."

"Wag kang mang asar. Nakakailang kasi. Tingnan mo kaya yung nasa paligid natin. puro couples. Eh hindi naman tayo." Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nasobrahan nga ba talaga ako ng inom? Sabi ni ate Tin light lang daw yung wine eh.

Bakit parang nahihilo ako?

"T-teka. Y-yvo." Nagsmirk siya bigla.

"Sabi ko kasi sayo. Seloso siya. Hindi mo ba talaga nahahalata. Don't move."

"H-huh? B-bakit naman?"

"Pagkabilang ko ng tatlo, may magic na mangyayari..."

Napalunok ako. Ano namang magic yun? Kinakabahan ako sa pinagsasasabi ng taong 'to.

"1.... 2..... 3....."

Nagulat ako nang may biglang humila sa kamay ko.

"I guess you're done borrowing my wife now, right?" Nakasandal pa rin ako sa dibdib ng taong humila ng kamay ko. Kilalang kilala ko ang boses na yun.

Napatingala ako. Medyo blurry ang vision ko pero kilalang kilala ko talaga ang boses na yun.

"P-prince?" tanong ko.

Napalingon ako kay Yvo. Naka-smirk lang siya kay Prince.

"What's wrong with inviting my friends at my mother's birthday party? And wife? Are you sure you're married?"

Aba! Lalo pa yatang pag iinitin nito ang ulo ni Frog Prince.

"Yvo!" pagpigil ko sa kanya. Dadagdagan pa niya talaga ang init ng ulo nito.

"What? I'm just asking him." Nagkibit balikat pa siya.

"Yes." Napalingon naman ako kay Prince.

HUUUYYY! Kabilin-bilinan ni lolo na walang makakaalam.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon