Chapter 05

4K 93 1
                                    

Prince's POV:

WHILE WAITING for my so-called WIFE here at the parking lot, nakinig na lang muna ako ng music using my phone. Just then, I saw Ellie running towards me. Or is it?

Surprised, I just stared at her when she suddenly went in the car. Napailing na lang ako.

"Eh?" Ano na namang problema nito?

Is she hiding from someone?

I looked around but see no one. Paglingon ko naman sa kanya, napansin kong may sinasabi pala siya sa 'kin. Inalis ko yung earphone sa kanan ko para marinig sinasabi niya.

"Pumasok ka na. Bilis!" Sinigawan niya ako. Tsk! Problema nito?!

"Psh. What's your problem? Weird." Umiling na lang ako at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Hindi siya sumagot.

"What? Who are you hiding from? This is your first day and you're already in trouble? I was right about you all along. You're such a pain."

"Aish! Grabe ka. Dami mo kaagad sinabi ah. At FYI, wala po akong kaaway. Tinakasan ko lang si ate Tin kasi may balak siyang ihatid ako. Eh di ba nga, kabilin-bilinan ng Lolo mo, wala munang makakaalam!"

"Well, that's your problem, Umboy!"

"Teka. Anong umboy ka d'yan!? Sari-sari ka ng tawag ah!"

"Don't you know that word? Umboy. Ugaling lalaki pero babae. Parang ikaw pangalan, kilos at pag-uugali mo panlalaki pero babae ka. Teka. Babae ka nga ba?"

"Ugaling tomboy yun eh. Pinaganda mo lang!"

"Exactly!"

"Psh! Dami mo alam! Manong, tara na nga! Magsasalita ka na lang may kasama pang pang aasar. Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang d'yan, mayabang?!"

"I can't, umboy. I have a tongue see?" Inilabas ko yung dila ko para magets niya sinasabi ko.

At pinaandar na nga ng driver ang sasakyan. Tumahimik na lang ako. Mayabang? Ako? Tss. Gwapo lang talaga ako.

"Yuck naman! Ang bastos mo ha!"

"I just want you to get my point."

"Point point ka d'yan! Ang sabihin mo ganyan ka na talaga! Tingin mo matutuwa sayo mga magulang mo kung ganyan inaasal mo? I bet no."

Magulang? Tiningnan ko siya ng masama. Banggitin na niya lahat huwag lang magulang ko!

"Just shut up!!!!" Natigilan si Umboy. Sinigawan ko siya para tumahimik na. Effective naman.

Tahimik na kami parehas habang nasa biyahe. Walang imikan hanggang makarating sa bahay. Bumaba na ako at dumiretso sa kwarto ko.



Ellie's POV:

Slam!!

"Ay palaka!" Napalundag ako sa pagkakasara niya ng pinto. Galit?

Pabagsak eh. Kala mo nagdadabog. Ano ba? Siya itong unang nang asar eh! Tapos siya itong mapipikon. Ang gulo niya ha!

Bakit kaya siya nagalit? Tawag-tawagin ba naman akong Umboy. Asar! Ano ba yun? May sarili ba siyang diksyunaryo at gumagawa ng sariling salita?

Aish! Asaaaaaaarrr! Sinipa ko yung dingding.

Booooog!

"Aray! Matigas din pala ito. Hss! Ang sakit. Ow ow ow..." Sapo-sapo ko yung paa ko.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon