No one's POV:
EVERYONE'S BUSY for the upcoming foundation day.
Princeton University was built eighteen years ago, after Prince was born. At noon pa man, talagang iyon na ang gustong ipangalan ng founder na si Gregory Montereal sa paaralan.
Well, nagkataon lang na noong taong ding iyon ipinanganak si Prince. At kapag nagka-apo siya ng lalaki, Prince ang ipapangalan niya dito. At nagkatotoo nga ito, sabay pa sa taong ipinagawa ang paaralan.
Nagsimula ito sa Day Care hanggang sa tumagal eh nag-expand na ito bilang University. Mga anak ng kilalang tao ang pumapasok dito. May anak ng artista, sikat na modelo, pulitiko, sikat na director, fashion designer, business tycoons, at iba pang kilalang tao na may sinabi sa buhay.
Busy si Ellie dahil sa kanya ipinasa ni Frog Prince ang pag-aasikaso para sa magaganap na engrandeng pagdiriwang sa ika-labinwalong taon ng eskwelahan.
"Ay grabe! Ang hirap mag-asikaso ng ganitong kalaking event. Hays! Buti na lang at nandito ka ate Tin. Hindi ako nagkamaling humingi ng tulong sa'yo."
"Did you forget Ellie? I am the President of our organization?"
"Ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko."
"And we have a catering business, so organizing event is my Major Major. You know? Forte?" nakatawang sabi ni Kirsten.
"Thank you talaga, ate Tin ah?" sagot ni Ellie.
Nireview na ni Ellie ang listahan.
FLASHBACK
Ellie's POV:
Aba't kapal talaga ng mukha ah! Aish! Ano ba yan? Anong gagawin ko dito? Ano namang alam ko dito?
Tiiing!
Ah alam ko na!!!
Kapag minamalas ka nga naman oh! Kay Ate Kirsten na lang ako hihingi ng tulong.
Bumaba na ako. At nakita ko nga yung elevator. Aish! Naku! Si manong guard talaga kapag nakita ko yun lagot siya sa 'kin.
DIIIING!
Bumukas yung elevator nakita ko si manong guard. Sakto! Nakatayo sa harap ng lobby.
"Hoy! Manong guard, bakit hindi mo man lang sinabi na may elevator pala? Aba! Ang taas taas pa naman ng inakyat ko. Jusko!" sabi ko kay manong ng may halong inis.
"Well, you didn't let me finish what I am saying. You just suddenly run off."
Ay oh, si manong parang si Frog Prince na din.
"Ah ganun po ba? Sige, punta na ako sa klase ko." Hindi ko na lang pinahaba ang usapan. Baka ma-late pa ako eh. Pagalitan pa ako ng masungit kong Prof.
Laking tuwa ko nang makarating ako sa classroom. Yes! Wala pa si masungit kong Prof.
"Hey, Ellie! Ano ba? Saan ka ba nagpupupunta?" Si ate Tin.
"Ah wala, ate Tin. Nagpahangin lang." Nakangiti kong sagot sa kanya. " Ay, ate Tin! Pwede ba favor?"
"Sure, meimei. Anything as long as kaya ko."
At ipinaliwanag ko na nga ang pakay ko. Nung una, nagulat siya kasi ang alam daw niya taon-taon si Prince ang nag-oorganize nito. Sinabi ko naman sa kanya na ako na ngayon ang personal assistant nito. At mukhang naintindihan kaagad niya ang sinabi ko. Pumayag siya.
BINABASA MO ANG
I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]
Teen FictionPano kung one day malaman mong kasal ka na pala? How would you deal with a stranger whom you'll be calling your "husband"?
![I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/3644966-64-k254904.jpg)