Chapter 20

2.6K 52 2
                                    

Ellie's POV:

Nagising ako na hawak ni Prince ang kamay ko habang natutulog. Tinagtag ko ang kamay niya at kumuha uli ng face towel.

"Ano bang naisip mo Prince at ilang araw ka nang hindi kumakain ng ayos? Ha?" tanong ko sa kanya habang pinunasan ko ang mukha niya. As if namang sasagot ang palakang 'to.

Pinagpapawisan pa rin si Prince.

Kinausap ko kanina sa phone si Dr. Aleje. Kaya alam ko na ang dapat niyang kainin at dapat niyang iwasan.

Maya maya pa'y napansin kong gising na siya.

"Oy, Frog Prince, bawal ka na sa softdrinks at juice. Lagi ka nang magbabaon ng tubig, okay?"

Tiningnan niya lang ako at tumango sa 'kin.

"Era." Inilagay ko na sa isang bucket yung towel kasama ng mga labahin.

"I'm hungry." napalingon ako sa kanya.

Sus! Yan ang napapala ng mga hindi kumakain ng ayos eh.

"Yan kasi, napapalipas ka ng gutom. Tsk tsk!" nilapitan ko siya.

"Saglit lang ha, mag-luluto lang ako."

Tumago uli siya at ngumiti sa 'kin.

Psh! Weird. Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto.

Sa Baba, naabutan ko si Manang na nag-luluto na.

"Manang Fely." tawag ko kay manang. Lumingon naman siya sa 'kin.

"O, Miss Ellie. Gising ka na pala."

"Tsk. Manang talaga. Wala naman si Lolo Greg eh. Tawagin niyo na nga lang kasi akong Ellie."

Nilapitan ko siya at tiningnan ang niluluto niya.

"Para po ba kay Prince yan?" Lugaw pala niluluto niya.

"Oo. Kahit ito muna ang kainin niya."

Ah,oo! Tama! Hindi pa nga pala siya kumakain.

Tumulong ako kay Manang Fely sa pagluluto pagkatapos ay inihanda ko na sa tray yung pagkain. At dahil ayaw talaga ni Manang na ako ang magdala ng tray sa kwarto ni Prince, sinamahan ko na lang siya papunta dun..

"Prin-" nagulat ako sa nakita ko.

SHIT! SHIT! PAKSHIT TALAGA! Nagsuka si Prince sa sahig! Kawawa naman yung sahig.

"Prince!" nilapitan ko siya at ini-upo sa kama.

"Oy, Kaya mo pa?"tumango siya sa 'kin habang habol ang kanyang hininga.

Pinagpapawisan siya ng todo.

Maya maya pa, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. OCHO NAMAN EH! Ramdam ko ang pag init ng akin mukha, Sign na namumula ako

"Eh Prin-" Tinakloban niya ang bibig ko.

"Just for once, Era, Paki-turn off muna ng megaphone mo. Please?" Tumango ako.

Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakatakip sa aking bibig at humiga ulit sa kama. Teka...

Nabingi lang ba ako o nagsalita si Frog Prince ng "Please" word? Marunong siya nun?

"Miss Ellie, kayo po muna ang bahala kay young master. Magtatawag lang po ako ng mag-lilinis ng sahig." Iniwan ni Manang yung tray sa table.

Pagkaalis ni Manang, kinulbit ko si Prince.

"Oy, Frog Prince. Kumain ka muna."

Kinuha ko yung lugaw at ipinakita sa kanya.

"I have no appetite." Natalukbong siya sa kumot niya.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon