Chapter 08

2.8K 66 11
                                    

 Kirsten's POV:

Grabe, nakakatulala yung boses ni Mei-Mei. Nganga ako! At si Prince may talent din pala ah?

Para talagang may something sa dalawang 'to. Hmmmm. Kung makakanta, kala mo lalanggamin. Eh di sige! Sila na sweet. Tsk.tsk!

Pagkatapos nilang kumanta ni Prince, bigla na lang nawala si Ellie. Hindi ko siya makita.

Ano ba yan? Kung kailan yung highlight na ng Ms. PRINCETON U yung sunod eh! Haist! Well may pakinabang naman si Prince kahit papaano. Infairness tumahimik ang crowd nung kumanta silang dalawa.

Kaso kawawa naman yung assistant n'ya, si Ellie. Sa kanya ipinagawa lahat.

"And for the next event, the long gown competition. And we will choose our Top five. And after that, we will hear the beautiful answers of these beautiful ladies with the question & answer portion."Galing ni Monica mag-host no? Friend ko yan nung high school kaya napilit ko sya.

Ito na!

"Uh, miss Kirsten, get ready na po. Magpalit na po kayo at i-reretouch ko na po kayo." Paalala ng make up artist ko.

"Sure! Uh, Ate, pagkatapos mo akong i-retouch pakitawagan naman po si Meimei. Bigla na lang pong nawala eh."

"Sige po."

Haist! Nasan ka na ba kasi Meimei? Kabado na ba ako? Ewan ko lakas ng kabog eh.

Bwisit! Bakit ba kasi napapayag ako dito? Wala. Naawa lang ako kay Ellie. Hehe. Pero gusto ko din naman. Para maiba naman. Bored na ako sa pagiging 'Nerdy' type eh...

Ito na.

Tinawag na kami nila Felix at Monica sa stage para rumampa sa Long Gown Competetion.

"Okay so let us all again welcome our beautiful ladies for tonight as they walk with their fabulous gowns" sabi ni Monica

Rumampa na kami sa stage. Grabe! Bakit parang kinakabahan ako?

"Wow amazing ladies, right Felix?"

"Indeed, Monica" -sagot ni Felix.

Okay Kirsten ignore ignore ignore. Ah! Wag ka kasing kabahan. Malapit na matapos oh. Kaunting tumbling na lang.

Crossfingers

Habang lumilibot kaming candidates sa bawat sulok ng stage, may napasin akong mga matang nakatitig sa 'kin.

HELLO!!! Rumarampa kaya kayo. Ano ba Kirsten? Sira na ba ulo mo? Kausap mo na sarili mo eh. Tssss. Pero iba talaga yung feeling eh.

Tuloy lang kami sa pagrampa nang biglang...

"Ayyyyy!" Ang lakas ng tili. "Hudas ni kabayong bastos!!!" Nagtawanan ang mga tao. Napatingin ako sa sumigaw. Si LJ lang pala. Natalisod siya.

Oh, poor LJ. Tsss.

Pero mala-Miriam Quiambao lang ang pagtayo ng peg ah!

Ngumiti pa ito sabay kaway. Infairness sa bakla, marunong magdala!

Itinuloy na namin ang pagrampa. Pumwesto na kaming sampung kalahok. Mula sa sampu pipili sila ng lima. Ito na ang moment of truth!

Naiilang pa rin ako. Para talagang may mga matang di umaalis sa pagtitig sa 'kin. Di ba kayo din naman? Nararamdaman n'yo kung may nakatitig sa inyo o wala? Iba talaga eh. Gusto kong hanapin yung matang yun kaso kinakabahan na kasi ako. Distraction lang yun. Saka baka mamaya, mukhang tsonggo lang.

Okay back to pageant. Layo ng naabot ng imagination ko ah. Whew!

"Okay Monica will you do the honor to read and announce who will be our top five?" Binigay ni Felix kay Monica ang envelope.

I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon