Ellie's POV:
Iminulat ko ang aking mga mata at napakurap.
Kaya naman pala. Panaginip lang pala yun. Super weird yung panaginip ko! Bakit ba kasi nagkakaganito na ako lately?
Sinipat ko ang paligid ko. Nasan nga ulit ako?
"Mei mei." Natauhan ako nang tawagin ako ni ate Tin. Nasa condo pala ako ni ate Tin.
"B-bakit, ate?" kinusot ko yung mata ko. Medyo mahapdi.
Uhm, actually, naprepressure kasi yung dalawa dahil hindi pa nakakaattend ang ilan sa kanilang models. Kaya pansamantalang ako muna ang model nila.
Ilang araw na nga akong hindi sumasabay kay Frog Prince dahil dun. At saka kagabi kasi, tinapos namin yung mga sketches nina ate Tin at ate Janine.
Ako ang sinukatan nila since mostly sa mga models nila ay kasize ko lang.
Ang totoong nangyari lang siguro kagabi ay yung inihatid lang ako nina manong sa bahay nina ate Janine. Nang hindi pa matapos nina ate Janine at ate Tin yung mga sketches nila, sinabihan ni Ate Janine na gawin na lang namin yung ibang sketches sa bahay.
Kaso, hindi nga pwede sa amin di ba? Kaya pumayag na lang ako sa suggestion ni ate Tin na sa condo niya na lang kami mag sketch.
May ipinatong na kape si ate Tin sa coffee table niya.
"Dalhin na lang naten 'to sa school. Ilagay mo sa bag mo yung iba, Mei-mei." Nagmadali na ako sa pagkuha ng mga papel na iyon.
"Ate Tin, uwi na muna ako sa 'min. Hindi kasi alam ni Lolo ang pagtulong ko sa inyo. Ang akala niya gumawa lang tayo ng project." Okay. Ako na ang lame sa pag iisip ng pwedeng maging excuse.
"Ah, sige. Ingat ka. Ihahatid pa ba kita?" umiling ako.
"Hindi, okay lang. Magtataxi na lang ako." May iniabot siyang pera sa 'kin.
"Heto o. Pamasahe mo na lang. Ayaw mo na namang magpahatid eh." Ibinalik ko sa kanya ang pera niya.
"Naku, ate, okay lang. Alis na ako ha? Bye." Pagkaiwan ko ng pera sa table, nagmadali na akong lumabas.
***********************************
Nakarating din ako sa bahay.
Nagulat naman sa 'kin ang mga kasambahay at nag-umpukan sila sa harapan ko.
"Miss Ellie!" Pagtawag sa akin ng isa sa mga kasambahay.
"Ma'am Ellie, bakit ngayon lang po kayo dumating?"Tanong naman ng kasama niya.
Ano bang oras na? Napatingin ako sa wrist watch ko. 8am?
Wala na. Late na ako sa first subject ko.
"Nanggaling lang ako kina ate Kirsten. Ginawa kasi namin yung mga designs ng gagamitin para sa fashion show sa isang araw." Nagkatitigan ang mga katulong.
Bigla naman akong nilapitan nina manang Fely at ate Issay.
"Miss Ellie?" pagtawag sa akin ni ate Issay.
"Hija, bakit ngayon ka lang?" may halong pag aalala naman na tanong ni manang Fely.
"Ano po kasi, tinulungan ko pa po sina ate Tin at ate Janine sa mga designs nila para sa fashion show sa isang araw." Hinawakan naman ni manang ang kamay ko.
"Naku, hija. Puntahan mo muna si young master sa kwarto niya." Huh? Bakit?
"B-bakit ho?"
"Buong gabi siyang naghintay sayo. Hindi nga din siya pumasok ngayon." sagot naman ni ate Issay.
BINABASA MO ANG
I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]
Teen FictionPano kung one day malaman mong kasal ka na pala? How would you deal with a stranger whom you'll be calling your "husband"?
![I'm Married to A Millionaire?! [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/3644966-64-k254904.jpg)