Twentieth

41 3 0
                                        

Gwen


"We're all set! Dala ko na rin 'yung damit ko para sa party later!" Energetic na bungad sa amin ni Hail.


Gaya nang napag-planuhan, ngayon ang araw ng birthday ni Lianne. Ramdam na ramdam ang paghahanda ng lahat dahil alam kong hindi lang ito basta isang normal na debut. Lianne Lopez is turning eighteen and I am pretty sure that a lot of headlines will be popping out later on. Bago pa man ang araw na ito, marami na kaming naririnig na balita tungkol sa paghahanda nila. Pakiramdam ko ngang isang mini ball ng mga artista ang magaganap mamaya. Kalat na rin ang mga susuoting damit ni Lianne sa social media na siyang ginawa pa ng mga kilalang fashion designers at stylists.


Naiisip ko palang pero parang ang hirap mamuhay sa ilalim ng spotlight. Hindi ko yata kakayanin na halos buong mundo ay nalalaman ang personal na buhay mo. Mabuti nalang at kinaya ni Lianne. Kung sabagay, hindi rin naman siya magtatagal sa industriyang iyan kung hindi naman talaga niya ginusto ito. Kung ako lang, natatakot ako mag-engage sa bagay na hindi permanente. 'Yung mga bagay na temporary lang kagaya ng kasikatan o 'di kaya kayamanan. It's frightening to see na may mga bagay talagang hindi nagtatagal. But sometimes, itong mga bagay na ito pa ang ine-embrace ng tao.


"Sigurado ba kayong tinanong niyo nang mabuti 'yung venue ng birthday ni Lianne? Bata pa ako noong last time akong nakapunta sa Manila. Paano kung maligaw tayo?" Paranoid na sambit ni Mariel. Napatingin naman sila ngayon kay Angelo at kay Dos na nasa tabi ko.


"'Wag niyo akong tignan nang ganiyan. I know Manila but not the exact location." Sabi ni Angelo.


"Malay ko ba." Kibit-balikat namang sabi ni Dos. "For sure, alam naman ng girlfriend ko."


Ngumiti naman ako at tumango. "Don't worry. Medyo malapit lang ang bahay namin doon sa Rivera Hotel. Ako muna ang tour guide niyo." I said.


Naginhawaan naman silang lahat dahil kasama nila ako. Mabuti nalang daw at sa Manila ako lumaki. Alam na alam ko daw ang mga pasikot-sikot doon. Si Lianne ang gumastos ng lahat ng expenses namin ngayong araw hanggang sa mga susuotin namin. Gusto lang daw talaga niyang present kaming lahat dahil hindi siya pinayagan ng manager niya at magulang na dito sa Ilocos mag-celebrate ng birthday. Mukhang gusto talaga nilang i-publicized ang kaarawan niya. Her friends' presence are the only thing she wishes for at sino kami para tumanggi? Maswerte nga siya at nandito pa din sila Dos, Angelo, Hail at Mariel para sa kanya. Hindi siya iniwan kahit naging sikat na siya. Kung tutuusin, mahirap nga namang makahanap ng tunay na kaibigan sa showbiz.


"Ibang klase din talaga si Lianne, ano? Pwede naman tayong bumiyahe nalang. Nakakahiya at binayaran pa niya ang plane flight natin." Sabi ni Mariel.


"Hell no! Ang layo kaya noon fren! Hindi ko naman kayang umupo for almost 10 hours or what! Nakaka-haggard 'yun ng beauty besh." Sagot naman ni Mariel.


Angelo is driving the car while Dos is in the passenger's seat. Kaming tatlo ang nasa back seat at kanina pa nagdadaldalan ang dalawa. Inaantok pa nga ako dahil maaga ang flight namin. It's seven in the morning and our flight will be at ten. For sure, makakarating kami ng Manila at lunch time and makakapaghanda pa para sa birthday ni Lianne sa gabi.


"Gwen, 'di ba nasa Manila naman mga friends mo! Huy, ipakilala mo naman ako kay Liam o kaya dun kay Sean! Crush ko sila eh, ang gwapo!" Sabi ni Hayley.


"Hail, nasa ibang bansa nga si Liam 'di ba. Tsaka imposible ka kay Sean, suplado 'yun tapos nakakadugo ng ilong. Besides, may nilalandi na 'yun." Sabi ko naman.


"Ako kay Yael! Ang cute kasi niya." Sabi naman ni Mariel.


Halos matawa naman ako sa sinabi ni Mariel. Hindi ko akalaing may crush siya kay Yael. Naiisip ko palang ang mukha ni Yael, natatawa na ako. Paano nalang kaya kapag nakilala pa niya ang batang iyon in person? Sana lang talaga, hindi niya pagsisihan ang mga desisyon niya sa buhay. Napansin ko namang nakatitig nanaman sa akin si Dos mula sa rear-view mirror. Napansin yata niya akong nagpipigil ng tawa. I mean, sino ba naman kasi ang hindi?! I can't imagine that someone would be attracted by my best friend's look , not knowing that his personality is something weird!


A Music In My Heart (VA Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon