Twenty Seventh

37 3 0
                                    

Medyo R-18. Readers' discretion is advised. :)


Gwen


"Pumayag ka namang itago ka nalang nang gano'n-gano'n lang? Ano ka ba Gwen? Bisyo? You don't deserve to be treated like a shadow." Hayley said.


Bumuntong-hininga na lamang ako habang masinsing kinakausap si Hayley. Naikwento ko na kasi sa kanya ang huli naming napag-usapan ni Dos. Siyempre, malungkot ako na kailangan niya akong itago. Na kailangan niyang sabihin sa ibang tao na wala kaming relasyon. Pero ano ba ang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng sabihing ayaw ko, dahil kailangan ko siyang intindihin. Isa pa, alam ko namang hindi rin ito ginusto ni Dos. Hindi niya gugustuhing itago ako bilang isang anino ng relasyon namin. Kapareho ko, wala rin siyang magagawa. It was an order by the management.


Nasabihan na ako ni Lianne dati tungkol dito. Nasabihan na niya akong hindi magiging madali kaya kailangan kong magpakatatag. Alam kong nagsisimula palang ang mga posibleng mangyari sa amin lalo pa't lumalaki palang nang lumalaki ang pangalan ni Dos. Kapag tuluyan na siyang nakilala ng buong mundo, hindi lang ito ang aabutin ko at ang aabutin naming dalawa.


Kung bibigay na ako ngayon, paano pa sa mga susunod na laban? I have to be strong because I have to keep holding on for the both of us.


"It's for the better Hail. Ayaw ko namang maapektuhan ang debut ni Dos. I can't stand interfering with his dreams. Tsaka, maliit na bagay lang 'yan. Alam naman nating lahat kung ano ang totoo." I said.


"Ibang klase ka talaga. Masyado kang matapang. Masyado kang maraming handang i-sakripisyo." She laughed bitterly. "Pero, hanggang kailan mo kayang mag-adjust para sa inyong dalawa, Gwen? Palagi nalang bang ikaw? Paano naman si Dos?"


I forced myself to smile. Masyado talaga siyang prangkang magsalita. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil sa pagiging straightforward niya o dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko. "Kaya ko naman 'yun Hayley. Kailangang mag-focus ni Dos sa mga pangarap niya."


"Eh ikaw nga? Paano ka naman? Mauubos ka sa ginagawa mo eh. Alam mo Gwen, 'wag mong sanayin ang sarili mo sa sakit. Kapag masyado kang nagbibigay, wala ng maiiwan para sa sarili mo." She said.


"Hindi ako mapapagod Hail. Hindi ako mapapagod para sa aming dalawa." I said.


Tumango-tango naman si Hayley saka niya ako niyakap nang mahigpit. "Basta kung nahihirapan ka na, nandito lang kami ha. Nagsisimula palang kayo at alam kong magiging maayos din ang lahat."


Sinubukan kong tanggalin ang lungkot na nararamdaman ko sa mga sumunod na araw. Matagal ko ng sinabi ito sa sarili ko. I have to be mature for things that are still bound to happen. And so what kung tatanggalin ni Dos ang mga photos namin sa kanyang social media accounts? So what kung itatago namin ang relasyon namin sa ibang tao? Hindi naman ibig sabihin no'n na tinatanggal na niya ako sa buhay niya. Hindi ko na kailangang palakihin ang bagay na iyon. Besides, mahal namin ang isa't isa at 'yun ang mas mahalaga.


"Siya 'yung girlfriend ni Dos 'di ba? Fan na fan pa naman din niya ako noon. Siya talaga ang sinusuportahan ko kaya lang pala may girlfriend." Rinig kong pag-uusap ng ibang freshmen sa likuran ko. Bumuntong-hininga nalang ako. I think they are pointing against me again.


"Eh so what naman kung may girlfriend? Tao rin naman sila 'no. Hindi ba sila pwedeng magmahal?" Sabi ng kasama niya.


A Music In My Heart (VA Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon