Gwen
"Uy! Mabuti naman at napatawag ka? Palagi kong nakikita mga IG story mo? It seems like you are so busy! What's up ?!" Masayang bungad sa akin ni Erin.
Whenever we have time, we always talk to each other at nights through video calls. Madalas siya ang nauunang tumawag dahil parang mas busy siya sa akin kaya ako ang nakakapag-adjust. But now, I was the one who first called. I really need someone to talk to after what happened earlier. I felt everything! After Dos kissed me on the top of my forehead, the butterflies in my stomach became more intense. And that moment felt like I was in a slow motion. I could clearly feel everything and it was weird. Because finally, for the first time, I wasn't confuse with Dos' actions towards me.
And right now, it is all bouncing back. Ngayon ko lamang naitatanong sa sarili ko ang lahat. Kung ano ba ang ibig sabihin noon? Kung normal lang ba iyon? Alam kong may gusto sa akin si Dos. Tanggap ko na iyon. Ngunit naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Ngayong unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat, ibig sabihin ba nito na unti-unti ko na din siyang nagugustuhan?
"I have to ask you something. I'm sorry! Are you busy? I just can't tell the boys about this because they'll tease me for sure." Sambit ko.
"Hay naku Gwen! You can talk to me anytime. About saan ba?"
"Uhm, I am just confused and clueless. What does it mean if you have unknown feelings towards a guy?"
"Like what?"
"Butterflies in your stomach perhaps. And the feeling na, ayaw mo siyang may kasamang iba. Tapos, you feel so at ease whenever he is around kahit na 'pag minsan, hobby niya ang asarin at pag-tripan ka. Alam mo 'yun? 'Yung feeling na, gusto mo siyang pagtabuyan pero ayaw mo siyang malayo sa'yo." I bit my lower lip. Gosh, that is how I exactly feel. Hindi ko akalaing may ganito na akong nararamdaman para kay Dos. Aish! Nababaliw na ba ako?
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Erin sa kabilang linya at ang kanyang pagmumuni-muni na tila ba mayroon siyang malalim na iniisip. Grabe, ganoon na ba katalinhaga ang mga sinabi ko? Hindi naman ah! Pakiramdam ko tuloy, ang complicated ng nararamdaman ko!
"Teka muna Gwen, sino ba 'yang tinutukoy mo? Jusme, about ba 'yan sa iyo?!" Gulat na gulat na sabi niya mula sa kabilang linya. Pati ako nagulat sa biglaang pagsigaw niya. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko. Hays, akalain mo naman para pa siyang nanalo sa lotto. "So about sa'yo nga 'yan?"
"O-of course not! I-its about my friend. My friend felt that towards her friend. Wait, friends nga ba? 'Yung guy lang naman kasi ang may gusto. So friends pa din naman sila 'di ba? Yeah, they're friends." I guess? Gwen, come on! Of course, friends lang kayo ni Dos! Masyado nanaman akong advance mag-isip, napaka-malisyosa ko!
"Dami pang dinahilan, hindi nalang magsabi nang totoo."
"What? I told you the truth Erin. Maniwala ka."
"Affected much ka because?" Natawa siya sa kabilang linya. Pinagtitripan nanaman ba ako ng babaeng ito? Ako naman ang kinakausap niya 'di ba? Eh 'di normal lang na sasagot ako pabalik.
"I'm not!"
Natawa pa siya at ilang beses ko pang dinepensahan ang sarili ko. I realized that I really sounded too defensive and affected kaya sa huli, pinili ko nalang manahimik. I don't want to look like a pathetic victim na dinedepensahan ang sarili sa bagay na for sure talo din naman ako sa huli.

BINABASA MO ANG
A Music In My Heart (VA Series 3)
Novela JuvenilVESTIBULUM ARCU SERIES no. 3 Gwen Cortez, a beautiful, fierce and talented college student stopped believing in the power of love after her heartbreak with the person whom she admires the most, Liam Bautista. After their friendship encountered a ver...