Gwen
"'Yung artista?! Si Lianne Lopez? Pucha, paano mo nakilala iyon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Yael.
Napapairap nalang ako ng mata. Kinwento ko kasi kay Yael na baka may chance na makapagkita ako sa kanila this weekend. Makakabisita ako ulit ng Manila dahil nga birthday ni Lianne. May kalayuan ang bahay namin sa Rivera Hotel pero kung mag-eextend naman kami hanggang Sunday, siguro pwede ko silang makita or kahit mabisita man lang din sila Tita Gemma. Sobra ko na rin kasi silang nami-miss. Siyempre, hindi ko sila ma-m'meet sa Saturday because I have to attend Lianne's birthday.
Nabanggit ko kay Yael na kilala ko si Lianne Lopez. At hindi lang basta kilala. Nakakausap at nakikita ko pa nang malapitan! Isa kasi si Lianne sa mga ultimate crushes ni Yael sa showbiz. At ngayon, hindi siya makapaniwala. Sinasabi pa niyang baka nag-iilusyon lang daw ako. Kung mayroon nga lang kaming picture ni Lianne, pinakita ko na sa kanya kanina pa. Nagkaroon ako ng chance na makipag-kwentuhan kay Yael and of course, lagi naman siyang may time para makasabay sa pagdaldal ko.
Gusto ko na nga rin sanang ikwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Dos pero naisip ko na baka mas better kapag sabay-sabay silang nakaalam. Tutal, iyon din naman ang ipinangako ko kaya ganoon nalang din ang gagawin ko.
"Bakit ba ayaw mong maniwala? Sinabi ko na nga sa'yong childhood friend siya ng mga kaibigan ko dito eh. Kilalang-kilala siya ni Dos." I bragged even more. Tamang pang-iinggit nalang din. Nakikita ko na din kasing nagbabago ang itsura niya. Nagsisimula na siyang mag-pout, senyales na naiinis na din siya.
"Wala ka namang pruweba. 'Di mo ako maloloko Gwen."
"Parang sira talaga 'to! Mukha ba akong scam?!" Napabuntong-hininga ako. "Alam mo Yael, 'pag inggit, pikit."
"Gago. Mulat na mulat ako boi." Sambit pa niya kaya mas lalo akong natawa.
May ilang bagay pa kaming napag-kwentuhan ni Yael. Natatanong pa nga niya ako about Dos pero tinatanggi ko pa din ang official status naming dalawa. Palagi kong nasasabing magkaibigan lang kami ni Dos. Naiisip ko palang pero parang kotang-kota na ako kay Dos. Mabuti nalang at hindi siya nagagalit. I asked for his apology once pero tinawanan lang niya ako. He said that he understands and he would go along the pace I want. Kung hindi pa daw ako handa na sabihin sa iba ang relationship namin, hindi niya ako pipilitin. He said that he'll always understand.
"Yael, do you think okay lang na ipakilala ko sa inyo si Dos kung sakaling makagala ako sa Sunday? I could meet you and I'll introduce him to everyone."
Sandali naman siyang nag-isip. "Oo naman! Pwedeng-pwede! Basta kapag good mood ang lahat. Ang kaso lang, may pinagdadaanan kasi si Flo ngayon. Kaibigan siya ni Erin. Kaya pakisamahan mo muna si Erin kung may trust issues siya ah."
"Basta, sabihan mo nalang ako Yael."
"Okay. Basta hug mo 'ko kapag nagkita tayo ulit." Pilyo niyang sambit saka kumindat sa akin.
"Hoy! Hindi pwede!"
Kung ano-ano talaga ang naiisip ng lalaking ito kahit kailan! Kung sabagay, wala namang kaso sa akin kung yayakapin ko si Yael. Siyempre magkaibigan lang kami at wala namang malisya iyon! Pero ibang usapan na ang yakapin ko siya sa harapan ni Dos! Naaalala ko palang kung paano magselos si Dos! Ayaw ko namang bigyan ang sarili ko ng headache. Daig pa ng babaeng may PMS ang lalaking iyon kung magselos. Napakahirap amuhin!

BINABASA MO ANG
A Music In My Heart (VA Series 3)
Novela JuvenilVESTIBULUM ARCU SERIES no. 3 Gwen Cortez, a beautiful, fierce and talented college student stopped believing in the power of love after her heartbreak with the person whom she admires the most, Liam Bautista. After their friendship encountered a ver...