Sixteenth

44 3 2
                                    

Gwen


"Ano nga? Bakit ka napatawag?"


Nakakagat-labi akong nag-iisip kung tama nga bang sabihin ito kay Yael. Masyado kasi akong masaya, kinikilig, in-love and all! Kanina lang nagpakatotoo na ako sa nararamdaman ko. Binuo ko ang tapang ko para masabi ko ang tunay kong nararamdaman. Para mawala ang lahat ng lito at hindi kasiguraduhan. Sa unang pagkakataon, sinubukan kong pakinggan ang puso ko. And that music in my heart was all worth it and it created a wonderful symphony. Sa unang beses, naging totoo ako kay Dos at sa sarili ko.


And that feeling is surreal. Hindi pa rin ako makapaniwala pero isa iyon sa mga pinaka-masayang feeling  na naramdaman ko. I guess I am really in-love because my heart cannot stop beating as well.


"Yael... nakaamin na ako!" Masayang sabi ko.


"Na ano? Hoy Gwen, huwag mong sabihing buntis ka. Kung iyan lang ang inamin mo, hay naku, patay kang bata ka."


"You know what Yael, tarantado ka talaga ever since. Ang annoying mo! Malamang hindi ako buntis."


"Eh ano ang inamin mo?" Tanong niyang muli.


"Inamin ko iyong nararamdaman ko sa lalaking gusto ko. Iyong naku-kwento ko sa'yo dati. I finally followed your advice and thank you, it was all worth it. Ever since, I am afraid to love again kasi paano kung may masaktan ako ulit? Pero dahil pinatapang niyo ako ulit, handa na ako ulit magmahal Yael."


Hindi ko nanaman namalayan ang sarili kong nakangiti. Tandang-tanda ko pang ganito noon si Eryn at Liam sa isa't isa. So this is how being in-love feels. I guess this is really it. Kay Erin ko naman kasi talaga gustong sabihin itong nararamdaman ko. A little girl's talk would do. Pero sadyang bestfriend-biased ako kung minsan kaya kay Yael ko nasabi. Sa aming magkakaibigan naman kasi, kay Yael ko talaga unang nasasabi kung masaya ako o malungkot. Inisip ko pa nga kung ayos lang ba talaga sa kanyang sabibin ko ito. Paano pala kung nasasaktan ko siya?


Hindi ko naman nakakalimutang minsang umamin sa akin si Yael. That is still vivid into my memories. Kahit sinabi ko sa kanyang kalimutan naming umamin siya, hindi naman ganoon kadaling burahin ang nararamdaman.


"Edi congrats sayo Tep. At least kumpirmado mo na!"


"'Yung alin? 'Yung feelings ko? Oo nga eh---"


"Hindi. Na may puso ka pala. Akala ko kasi wala na eh." Natatawa niyang sabi kaya napairap ako. "Pero seryoso nga. Masaya ako para sa'yo kasi alam kong masaya ka. Hindi man kita nakikita pero pustahan, nakangiti ka ngayon 'no?"


Tumango ako. "Oo."


"Ingatan mo 'yang puso mo Gwen. Dapat multi-tasking ang utak at puso, okay? Dapat sabay gumagana 'yan at walang nakakalamang. Gamitin mo 'yang utak mo para protektahan iyang puso mo." He said.


"Yes po." I smiled.


Para ko din talagang kuya si Yael kapag minsan kahit siya naman talaga ang pinakabata sa amin. Madalas siya ang pinakamakulit at pinaka-isip bata sa amin pero may mga pagkakataon din namang siya ang pinaka-mature. Hindi ko naman nabanggit kay Yael na madami pa ang pwedeng mangyari sa amin ni Dos. Gaya na lamang nang pagbigyan ko siyang maging boyfriend ko. Dos asked me if we could be officially together when he win for Mr. Intramurals. Ramdam ko naman kasing gagalingan niya pero hindi matanggal sa akin ang kaba at excitement.

A Music In My Heart (VA Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon