Chapter 20
Aemie
Maaga kong nagising para ipaghanda ng umagahan si Nikko pero hindi pala sya umuwe kaya nasayang lang ang oras ko sa paghahanda ng pagkain na wala naman palang kakain. Tinatawagan ko si Shen at Nic pero wala namang kahit isang sumasagot sa kanila. Pilit ko ring tinatawagan si Nikko pero wala namang sumasagot . Yung mga niluto ko binigay ko na lang sa batang kalye kesa naman mapanis lang. Nakakainis nasan na ba yung mga yun bakit ngayon pa sila nagsilayas. Wala pa namang pasok ngayon . Aayain ko sana sila sa dagat para makapag saya naman. Bakit wala sila. Nalimutan ba nilang importante ang araw nato sakin. Nalimutan na ba nila ko?
Habang patuloy ako sa pagdadrama ay naisipan kong mag open ng net. Ang tagal ko na din hindi nakakagamit ng mga social network. Wala na kase akong inatupag kundi ang mag aral at msgpakabusy kahit na iilang buwan pa lang ako na nandito ay sadyang napakabusy ko. Sa ilang buwan ko na nga dito hindi man lang ako maisama ni Nikko sa Mall o kaya mskipagdate ano bang aasahan ko diba? Im just a fake wife. Mahirap mang tanggapin kailangan kong gawin.
Iniscroll ko ang mouse at agad na nagopen ng facebook account ko. Binago ko na nga status ko dun eh. May facebook naman pala si Nikko kaya in a relationship na status naming dalawa. Nakakatuwa pa ang dami ko na agad friends. Suportado raw nila ko para kay Nikko at kung sakali mang may umagaw kay Nikko ay sila na ang bahala.
Agad kong nakita sa timeline ko ang bagong profile ni Aizel Flores na kapalit lang kanina kanina. Wala namang like pero wagas sa comment at halos lahat bad. Parang may kumurot sa puso ko ng makita ang cover photo nya kasama si Nikko , Sheena at Nicolas. Kaka-upload lang din kanina . Katulad ng profile nya puro bad comments lang din." Ang sarap talaga kapag kasama mo yung taong mahal mo at alam nyo sa isa't isa na mahal nyo ang isa't isa." binasa ko ang caption ng picture at hindi ko na napigilan kaya tumakbo na ko palabas ng bahay. Hinabol pa ko nung guard pero nagtago ako sa isang puno at hindi nya na ko hinanap pa. Patuloy na pumatak ang luha sa mga mata ko . Hindi ko na kaya. Ayokong masaktan. Ayoko. Hinayaan ko lang na pumatak ang luha sa mga mata ko . Kailangan ko itong ilabas. Kailangang mawala ang sakit na nararamdaman ko. Kaya ba wala sila ngayon dahil magkakasama sila? Masaya pa sila. Tapos ako nalulungkot, birthday ko pa naman ngayon at 3rd Monthsary namin. Wala ba talaga akong silbi sa kanya? Siguro nga
Sa haba ng nilakad at tinakbo ko hindi ko namalayan na nakarating pala ako sa isang park na may parang ilog na gawa lang ng tao. Madalang lang ang namamasyal pero maganda naman. Lalo akong naiyak ng makakita ako ng nagtitinda ng lobo.
"Miss bibili ka?" tanong ng tindero sakin. Umiling lang ako dahil wala naman akong pera pambili ng ganun. Dahil sa bigla kong pag alis di ko namalayan na naiwan ko pala yung wallet ko .
" bakit ka malungkot miss? Pwede mong sabihin sakin." inabot sakin nung mama yung isang lobo .
" Wala po kong pambayad mama." sagot ko at ibinalik sa kanya yung lobo. Agad nya namang ibinalik sakin yun at sinabing akin na lang daw. Wala naman na kong nagawa kundi kunin yun dahil agad naman syang umalis. Pagkaalis nya ay may dumaan naman na nagtitinda ng mga bulaklak. Tulips iyon at napakaganda talaga. Gusto ko man nun ay wala akong pera. Habang aligaga sa pagbebenta ng bulaklak yung mama ay nalaglag yung tatlong tangkay at hindi nya napansin yun . Lumapit ako para damputin yun at ibalik sa kanya .
" Yung tinitinda nyo po nalaglag." sabi ko. Ngiti lang isinagot nya sakin . Hindi nya inabot sakin yung bulaklak sa halip ay tinalikuran nya ko at nagpatuloy sya sa pag titinda. Hinabol ko sya pero hindi ko na sya nakita pa. Kinuha ko na lang yung bulaklak at inilagay yung isa sa tenga ko . At yung dalawa ay hinawakan ko. Itinali ko yung lobo sa braso ko mahirap na baka makalipad pa bigay na nga lang aagawin pa.
BINABASA MO ANG
A contract with a Vampire(slowlyediting)
VampireAng babaeng gipit sa bampira kumakapit.