Chapter 3
Aemie
Pagkatapos ng maghapong pag iikot sa mall dumiretso na agad kami ni Sheena sa boarding house ko. Ano pa bang gagawin ko sa mall diba? Wala na kasi tapos naman na ang gawain namin , maraming pinamili si Sheena na kung anu-ano kaya mahirap magdala kaya naman ay sa bahay ko muna sya pagpapahingahin.
" Hayst. " ilang beses din akong bumuntong hininga dahil kinakabahan ako ,bakit kaya kailangan naka bridal gown?
" Baka naman ibubugaw ako." umpisa ko ,kanina pa kase sya nakatingin sakin na parang may sasabihin na ewan.
" No . You'll see it tomorrow.Just calm down ok." pagpapakalma nya sakin.Huminga ule ako ng malalim. Ano kayang magiging trabaho ko? Model ng gown? Pwede rin. Maniwala man kayo o hindi model ako date. Date na yun , nung mayaman pa ako , mas maganda pa ang katawan ko nun dahil lagi ako sa gym eh ngayon nganga to the maximum level wala ng pang gymn at na expired na rin ang membership card ko sa lahat ng gym na pinpuntahan ko.
"Sure yan ah." pagkasabi ko nun tumalima na sya para halungkatin yung mga make up na meron ako. Lahat ng makeup naman ay meron ako kaso yung iba na expired na sa katagalan na hindi ginagamit. Mas sanay kase ako na simple lang at walang kolorete sa katawan. Hindi naman nakagaganda yun , nakapapangit pa nga yun madalas . Yung iba kase kung maglagay akala mo naman may nasubsob sa harina, nagmumukang espasol pa .
" Lets eat first . Im hungry na " maarte nyang sabi habang nakahawak sa tyan nya. Mukha ngang gutom na sya. Hupyak na rin ang tyan ki
Llllkaya go na." Sige tara gutom na rin ako eh."
Inayos ko na yung lamesa para makakain na kami. Tortang talong at pritong isda lang ang ulam ko ,sanay naman kase ako ng ganito ipinaggisa ko na lang si Sheena ng cornbeef nakakahiya naman kase kung isda at torta ang ipauulam ko sa kanya. Dapat kase maggogrocerry kami kaso sa tagal nya mamili inabot na kami ng hapon. Gutom na gutom na tuloy ako.
"The table is ready." lumapit na sya sakin., nagsimula na kong kumain pero di pa sya tumitinag.Panay din syang hawak sa neck nya na parang nauuhaw. Panay din ako tingin sa kanya at hindi ako makapag concentrate sa kinakain ko. Kakaiba kase ang kinikilos nya. Nung kumain naman kame sa resto kanina ayos pa sya. Baka ayaw nya sa ulam . Sosyal nga pala sya at hindi sya kumakain ng ganyan. Dapat talaga namili ko ng ipapaulam sa kanya.
" Di ka ba kakain ? Akala ko gutom ka na?"- tanong ko.
Ngumite lang sya at bigla akong kinabahan ang tulis ng pangil nya. Para syang bampira.Di ba yung mga bampira dugo lang ang iniinom? Oh shocks baka bampira sya. Hindi naman siguro sa ganda nyang yan. Pero may maganda naman kasing vampira. Naniniwala kasi ako sa vampira , idok ko nga si Edward Cullen eh ang gwapo nya kase.
" Anyways stop saying ' ah' and 'oh' ,thats too informal. And quit pouting."- sya.
" Ok ill do that." napak informal ko ba? Di ko naman alam.At ngayon ko lang nalaman. Ganun na ba ko katanga at hindi ko alam yun? Nag aral naman ako bakit kase ang tanga ko noh? Dapat kase nag aral ako ng maayos nung nag aaral pa ko ,kaya wala akong permanenteng trabaho eh.
"And you better speak in english all the time."sya. Napapout ako.Ang gara naman kakanosebleed kaya pag ganun. Baka maubusan ako ng english dun sa magiging amo ko. Awts. Magbabasa na ko ng dictionarya mula ngayon para naman marami akong alam.
"Foreigner ba magiging amo ko?" clueless kong tanong.Nosebleed ako nito for sure.
" Someone like that."- sya.Ok sana naman hindi.Pagkasabi nya nun tumayo na sya.Ni hindi pa nga nya nabawasan yung pagkain nya eh.Hindi ko talaga mapigilang magsabi ng eh.Pagkatapos kong ligpitin yung pinagkainan ko sumunod na ko sa kanya sa sala. Nakahawak pa din sya sa lalamunan nya habang nakaharap sa salamin.What's the matter with her.Medyo nadadry yung mukha nya na parang nababad sa tubig na may asin.
" Something wrong?"- curious kong tanong habang nakatitig lang sa kanya. Umiiwas sya sakin . Di ko alam kung bakit. Omg kung bampira nga sya please wag nyong hayaang patayin nya ko.Dalidali akong pumunta sa kusina para kunin yung bote ng juice sa sa ref.Incase of emergency yung nakalagay sa pack.
"Here?" inabot ko sa kanya yung pack pero tinabig nya. Lumapit sya sa pinaglagyan nya ng bag nya kanina,may kinuha syang parang bote ng gamot at hiringgilya.Anong gagawin nya dun? Lalapit sana ko para pigilan sya pero naisaksak nya na sa sarili nya yung gamot.What the!Bumalik na sa natural yung balat nya sa mukha ,then pumunta sya sa kusina,pagbalik nya dala nya yung mga binili nyang pagkain kanina as in lahat.
" Nagugutom na ko . As in super. Hihi." nginitian nya ko ,wala na yung matutulis nyang pangil. Pinilit ko na ring ngumiti kahit dama ko yung biglang pagbilis ng tibok ng puso ko .Para na syang malalaglag.
After nyang kumain ng super dami. Naubos pa nga nya yung tortang talong ,cornbeef at isda, huhu wala na kong ulam para bukas plano ko pa naman hanggang bukas yun kung sakaling di sya kakain. Ilalagay ko na lang sana sa ref para di mapanis. Pero wala na naubos na. Gusto ko mang magtantrums pero nakakahiya sa kanya baka naman isipin nya isip bata ako which is hindi naman.
"Tara na make over na" - kinuha nya lahat ng gamit ko. At sinumulan nya nakong lagyan ng kung ano ano. Naghikab ako dahil antok na antok na talaga ko ,kanina pa nya ko inaayusan at kanina pa rin sya papalit palit ng kulay na inilalagay sa mukha ko ,kung maselan lang ako baka nagkarushes na ko. Paikot ikot rin sya habang nakahawak ang kamay nya sa tyan na para bang may masakit. Hindi ko na lang pinansin baka kase busog na busog lang sya. Huhuhu naaalala ko na naman yung inubos nyang ulam ko.
after almost two hours.
.
.
.
.
.
..
Nakatulog pala ako. Nagising ko sa matinding ingay na nanggagaling sa harap ko. Ano yun bakit ang ingay. Pupungas pungas pa ko. Napatingin ako sa tv sa harap ko. Balita ang nasa tv.
flashreport: isang blood bank ang nanakawan ng mahigit sampung blood bag ng dugo.Abangan ang detalye ng balitang iyan.
Napatingin ako sa pinto. Gumalaw ito senyales na may papasok.
.
BINABASA MO ANG
A contract with a Vampire(slowlyediting)
VampireAng babaeng gipit sa bampira kumakapit.