Chapter 27
Nicanor
Nagising ako sa ingay sa ingay sa paligid. Dahan dahan dahan kong idinilat ang mata ko at nagpalinga linga. Nasa loob ako ng isang kotseng nakabukas ang convertible. Napahawak ako sa ulo kong namimigat pa rin.Nasan ako?
" Nasa Pilipinas na tayo Nicanor. " napadako ang tingin ko sa driver seat at napako ang tingin ko kay Nikko na tahimik lang. Simula pa lang ng una hindi ko na mabasa ang iniisip nya bakit ganito sya parang may kakaiba. May mali talaga simula pa lamang ng umpisa. Alam kong meron pero hindi ko alam kung alin ang mali, ako ba o si Lovelace? Ugh!
Pilipinas? Wait what?
" Seryoso ? Bakit nandito tayo?" nakita kong tumingin sya sa rareview ng kotse pero hindi sya nagsalita.
" Nadetect ko yung pinanggalingan ng tawag pero nang papuntahan ko yun sa secretary ko wala na raw tao duon pero may nakita silang isang van. Kulay black na Van. Nag aalala na ko kay Sheena. Why dis she come back here ?"
Nagkibit balikat na lang ako at tumingin sa kawalan. Bakit nga kaya umuwi si Sheena? Lahat ng bagay na ginagawa niya ay may dahilan , hindi siya basta basta kumikilos kung wala . Lagi nyang sinasabing Hindi ako kikilos kung walang patutunguhan , kaya nakapagtataka kung bakit sya bumalik sa Pilipinas.
" The business venture in Italy wasn't enough , kaya ipinadala ko ang isa kong tauhan duon . You know what kapag di natin na close ang deal doon bababa ang sales natin ." out of nowhere tumingin ako kay Nikko. May kausap sya sa telepono , kunot noo pa sya at para bang naguguluhan. Pagkatapoa kong marinig ang unang salita nya ay wala na akong narinig kundi katahimikan sa paligid ,basta ang nakikita ko lang ay may kausap sya sa telepono at nakangiti sya mg malawak.Nang maibaba nya ang telepono nya ay napakalawak ng ngiti nya. Anong meron sa tawag na yun at napangiti sya ng malawak? Is that Aizel? Tsk.
"Mr. Lovelace Im warning you kung si Aizel man ang kausap mo itigil mo na okey? May asawa ka na dapa—"
"Nandito na tayo " pagpipigil nya sa dapat na sasabihin ko . Tumingin ako sa labas ng kotse at isang antigong bahay ang nasa harap namin ngayon. Medyo maliwanag na sa paligid kaya kitang kita ang kalumaan ng buong bahay. May isang tuyot na fountain sa harap nito at malawak na garden na may mga tulips. Maganda ang bahay pero dahil may kalumaan nakakatakot na ,para itong haunted house.
Tumingin uli ako kay Mr. lovelace na nakangiti pa rin. Pinagsalubong ko na lang ang kilay ko bago bumaba ng kotse. Sumunod naman agad sakin si Mr. Lovelace , sinalubong kami ng isang matandang babae na nasa edad 50 , iginaya nya kami papasok ng bahay pagkatapos ay binigyan ng malamig na tubig . Napakatahimik ng bahay na animo'y walang katao tao.
" Manang Chedeng nandyan na po ba sila?" isang maputing babae ang bumaba mula sa hagdan na may suot pa na gloves. Ang gloves nya ay puro dugo na para bang kagagaling nya lang sa isang madugong operasyon.
" You are Nikko right? Im Yssabel . "
Tinanggal nya ang gloves nya at nag abot ng kamay sakin , agad ko namang inabot iyon at umupo na sya sa tabi ko. Bakit ako lang ang kinakausap nya? Agad kong ibinaling ang tingin ko sa tabi ko ngunit wala na si Mr. Lovelace sa tabi ko. As expected.
Sheena
Isang blurred na anyo ang nakatayo sa harapan ko hawak ang telepono nya. Nakaharap sya sa bintana at nakapmaywang , ang nakapamywang nyang kamay ay may balot mg puting tela na animoy may sugat iyon. Sino sya? Bakit pamilyar ang tindig nya sakin? Bumilis ang tibok ng puso ko kahit hindi naman ako nakararamdam ng kaba ,pinilit kong aninagin ang babae pero hindi ko talaga sya makilaka ,para syang watermark .
" Mabuti naman...Kapag bumagsak yan paano na....May mga bagay lang na hindi ko pa masasabi sayo ngayon.... I missed you too....k bye I love you." pagkatapos noon ay may pumasok sa kwarto na ang isang babaeng hindi ko rin maaninang. Naka white na uniform sya na lacy , kita ko ang suot nya pero hindi ko maaninag ang mukha nya. This thing sounds rare. Fuck! Lunapit sya sakin at May itinurok sya sa dextros at tuluyan ng nawalan ako ng ulirat.
Nagising ako sa mahinang pagdampi ng kung anong bagay sa ulo ko. Lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing dadampi yun sa buhok ko , para bang nagmimistula iyong pain reliever sa sakit ng katawan at sa iba pang nararamdaman ko.
" Nikko?" tumango tango lang sya saka ako hinalikan sa noo. Nakahinga ako mg maluwag ng makita sya. Patuloy pa rin ang paghaplos nya sa buhok ko habang nakatitig sakin. Ang mga mata nya ay parang nagtatanong, hindi ko mabasa ang nasa isip nya dahil mahina ako , yan lang ang disadvantage ng pagiging mahina , you wont hear or read those things you want to. Napakakomplikado nun para sakin. At bumababa ang tingin ko sa sarili ko kapag ganun. Half breed lamang ako ng bampira at kapag mahina kami ibig sabihin wala kaming pwedeng magawa unlike yung mga highbreed kahit na dapuann pa sila ng sakit o kung ano man hindi nababawasan ang kakayahan nila. Half breeds are like trash, pakalat kalat lamang at walang silbi and im one of those trash.
" Magpagaling ka ha? Hihintayin kita" napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Magpagaling ka ha? Hihintayin kita .Anong ibig nyang sabihin? Ano? Gusto ko mang magtanong pero hindi ko magawa parang nabarahan ang lalamunan ko ng kung ano at walang kahit anong salita ang nagtatangkang lumabas sa bibig ko. Napailing na lang sya at nag iwas ng tingin. Ihaharap ko sana sya sakin pero nanghihina pa rin ang kamay ko kaya hindi ko maigalaw. Napakadami pala ng galos na natamo ko mula sa nangyare kanina. Kung hindi pa kami nailigtas ng kung sino paniguradong wala na ko rito ngayon. Pantay na sana ang paa ko at isa na kong malamig na lamang lupa. Hindi ako makapapayag ng ganoon.
Isang mahinang hikbi ang narinig ko mula kay Nikko.Bakit ba sya umiiyak nakakainis hindi ko man lang sya mayakap at matanong kung bakit. Nakakainis. Nakakainis dahil wala man lang akong magawa.
Nagkaroon ako ng konting lakas na makapagsalita itinanong ko kung bakit sya umiiyak umiling lamang sya at tumitig sa akin. Ilang ulit nya ring sinabi ang mga salitang Magpagaling ka ha? Hihintayin kita. Naguguluhan man ako ay tango na lang ang isinagot ko. Wala pa kong lakas na magtanong ng magtanong kaya nanahmik nalang ako. Umakyat sya sa kama at niyakap ako ng mahigpit pinapikit nya ko at kinantahan ng lullaby. Hindi naman nagtagal nakatulog na ko ,pumatak ang isang butil ng luha sa mga mata ko na hindi ko alam kung bakit bago ako tuluyang nahimbing ng hindi pa alam ang totoong nangyare.
Ano nga ba talagang nangyare?
BINABASA MO ANG
A contract with a Vampire(slowlyediting)
VampireAng babaeng gipit sa bampira kumakapit.