Chapter 2O.2

2.7K 78 0
                                    

Pagkabangon nya nula sa pagkahulog ay agad na kong hinigit palapit sa kanya. Bumilis ang tibok ko gaya ng inaasahan . Bakit ba kase gan'to tong puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko na mabilos pa rin ang tibok.

" Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin." sabi nya na nananakot. Napakagat labi ako dahil alam kong seryoso sya. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Para na kong may sakit sa puso dahil dito.

" Anong kaba...kaba..yaran?" nanginginig kong tanong. Imbis na sumagot ay ngumisi lang sya ng nakakaloko. Ano kayang balak nyang gawin? Pasalamat sya hindi ako nakakabasa ng isip.

" Ano?!" tanong ko. Hindi sya sumagot agad. Inilapat nya ng labi nya sa labi ko at sa di inaasahang pagtatagpo ng mga mundo nakagat ko ang labi nya. Napaaray sya at agad na lumayo sakin. Waaaah . Galit na sya. Kase naman Aemie eh pwede namang gumanti na lang ng halik kinagat mo pa. Naku naman eh.

" Galit ka Nikko ?" hindi sya sumagot. Lumabas sya ng kwarto . Galit ata talaga sya. Hahabulin ko na sana sya pero mabilis din syang nakabalik. Palibhasa kaya nyang bilisan ey.

" Akina braso mo.!" walang pag aalinlangan kong inabot sa kanya ang braso ko . Baka kase magalit na naman sya . Monster pa naman to baka mamaya kagatin na lang ako bigla at pag naubos na dugo ko itapon ako sa estero. Huhuhu kawawa naman ako pag nagkataon.

" Aray. " napsigaw ako at napapikit. Parang kumawala pati espirito ko sa katawan ko. Ididilat ko sana ang mata ko pero nakatakip iyon ng kamay nya.

Makalipas ang ilang minuto ay agad naman nya kong binitawan at hinalikan ako sa noo. Nanghihina ako. Para kong mahihimatay. Bago pa man ako makapikit ay nakita ko ng isang blood bag sa side table.

" Dont worry babalik din ang lakas mo." bulok nya sakin at hinalikan ule ako sa noo.

At yun na nga ng nangyare. Kinuhanan lang naman nya ko ng dugo. At kung hindi pa ko muntik na mahimatay ay sasagadin nya ang dugo ko. Tiningnan ko ang braso ko at wala na yung benda na nilagay ni Nikko kagabe.

---

Pagkababa ko ay bumungad sakin ang malawak na ngiti sa labi nya. Nag- goglow ang balat nya na makinang. Lalo syang gumwapo at kung ako ay malanding babae lamang ay nahalay ko na sya. Ang gwapo nya kyaaaaaaa. Gusto ko sanang sumigaw kaso wag na lang baka lumaki ang ulo nitong lalaking to. Nakagat ko ang labi ko. Hayst nakak ugalian ko na ata yung pagkagat ng labi ko. Ikakama ko tong lalaki na to eh.
Habang iniisip ko yan malawak ang ngiti nya.

" Anong tinitingin tingin mo dyan?" inis nyang tanong at bumalik sa kinakain nya. Hindi man lang ba nya ko papakainin . You know naman na inubos nya ang lakas ko kagabe. Este ang dugo ko pala. Gutom na ko at nanghihina hindi ba nya Ko papansinin.

" Gutom na ko." parinig ko sa kanya pero parang wala syang narinig. Hindi ko na lang sya pinansin at kumuha ko ng sarili kong pagkain. Sa kasamaang palad ay cereal lng ang nakuha ko dahil na ka locked yung ref. Kelan pa nilock yun date naman malaya akong nakakaha ng pagkain dun. Gusto ko mang itanong kung bakit nakalock yun ay hindi ko magawa baka kase magalit lang sakin tong mooding bampira na to .

Pagkatapos kong kaininang cereal ay naligo ako . Aalis na lang ako baka makatulong pa. Agad kong hinanap yung wallet ko pero wala akong makita kahit na zipper lang ng wallet ko . Kinalkal ko na lahat ng pwede kong paglagyan pero hindi ko makita. Napagpasyahan ko na itatanong ko na lang kay Nikko baka nakita nya. Pagbaba ko naman wala na sya. Tsk. Tama bang hindi magpaalam sa asawa nya. Hayst. Mga lalaki nga naman oh pag di naibigay ang gusto magtatampo.

A contract with a Vampire(slowlyediting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon