Ika dalawang gabi na ngayon simula noong bumisita siya sa Tikiki Bar. Mas nanaisin sana niya kung bibilis ang takbo ng oras para hindi na niya mailarawan ang pagkanta ni Leia sa stage sa isa sa paborito niyang kanta. Tiyak niya na pagtulog niya ngayon mapapanaghinipan na naman niya si Leia.
Naisip ni Jasmina, mas mabuti sana kung nasa trabaho siya. Dahil doon busy ang utak niya. Pero hindi hanggang alas cinco lang siya nasa factory. Kaya tuwing pagdating niya ay pinagpatuloy niya ang pagsama sa mga pusang kalye pagkumakain sila. At least, naaliw siya sa piling nila.
Kanina nga isang oras siya habang pinagmamasdan ang mga pusa. Hindi na siya makapaghintay na makasama silang lahat sa iisang bubong. Nais niyang may magiging tahanan na si Boots sa mga huling taon nito lalo pa't matanda na'to. At nakikita niya na palaging makakasama ni Chica ang bestfriend nitong si Keke habang nag-aabang ng mga daga. Hindi pa niya alam kung ano makakahiligan ni Isra, baka matutulog lang 'to buong araw sa sofa na malambot. At baka si Mimi ay mahilig tumambay sa labas habang hinihintay ang pagdating niya mula sa work. Iniisip niya ang iba pang mga pusa kung ano ang magiging favorite routine nila sa magiging bagong tahanan nila.
Nangiti si Jasmina noong paakyat na siya sa second floor ng apartment. Pagliko niya narinig niya na parang may tumawag sa kanya.
Agad siyang kinabahan.
Baka si Boyet naman. At mambwibwisit na naman 'to sa kanya. Ilang beses ba dapat niya 'tong tanggihan bago nito maintindihan na wala siyang pera na maipapahiram nito.
Nagmadali na si Jasmina.
May naring kasi siyang mga yabag na pumapanik sa second floor.
Pagkabukas niya ng pinto, agad niya 'tong sinara. At napasandal siya sa may pintuan na parang natatakot siya na pwersahan na buksan 'to. Pero wala na siyang narinig na may tumawag. Pero hindi siya gumalaw. Nag-aabang na baka may kakatok.
Pero wala.
Ang tanging nahagip niya ay may mga yabag na dumaan sa labas ng kwarto niya.
Kaya naisip niya na baka ibang boarder ang tumawag sa kanya. Pero hindi pa rin siya lumabas. Mas mabuti na isipin nila na hindi niya 'to narinig.
Dahil gusto na niya magpahinga. Wala din naman siyang gagawin dahil tapos na siyang mag dinner. Birthday kasi ng isa sa officemate niya kaya nanlibre 'to ng chicken barbeque at unli rice.
Noong nakagalaw na siya, ay dumiretso na siya banyo upang maligo. At pagkatapos ay nagpatuyo siya ng buhok, saka nahiga. Dito naisipan niya na ipagpatuloy ang pagbabasa sa romance novel. Dahil wala na siyang wish na matapos 'to. Yes, hindi siya nag e-enjoy sa story pero gusto pa rin niya 'tong tapusin. Kasi every time may natatapos siyang libro ay accomplishment 'yon para sa kanya, kahit napaka simple lang nito. Sa isip niya, wala na nga siyang maipapagmamalaki, pati ba pagtapos ng libro ay hindi niya magawa.
Napahinga siya ng malalim bago binalikan ang pahina na may bookmark.
Mga twenty eight minutes din siyang nagbabasa noong nagtext si Manda. Ang sabi nito next week may gig naman sila sa funeral. Napangiti siya sa nabasang text, another income na naman, meaning another additional money for her savings, and finally masusuot na niya ang bago niyang bili na damit.
Nakangiti pa rin siya noong binalikan niya ang kanyang libro. Hanggang nabasa niya ang part na naghahalikan na ang dalawang bida. Dito na nagusot ang noo niya, at parang nawala siya sa mood. Kaya after five minutes, ay binaba na niya ang libro at nilagay sa ilalim ng unan.
Kinilabutan siya doon kaya nagtungo siya sa may bintana para makalanghap ng hangin. Sa may basketball court, nahagip niya may ilang nag-iinuman.
Tumalim ang titig niya.
BINABASA MO ANG
Diwak (completed)
FantasyMatapos ang ilang taon, bumalik si Jasmina sa kinalakihan niyang probinsiya. Pero sabay nang pagdating niya, ay tuwing gabi ay misteryosong nawawala ang mga pusa. Ang iba ay bumabalik kinaumagahan, pero meron din ang hindi na. Hanggang may isang mat...