Chapter 10

135 5 0
                                    

Finally, naisipan na ni Jasmina na umalis patungo sa puntod ng kanyang nanay. Nasa mga isang oras na rin siya simula noong dumating siya sa public cemetery. Una niyang ginawa ay binunot ang mga ligaw na damo na tumubo sa gilid ng puntod ng kanyang nanay. Tapos nagtirik siya ng mga kandila at nagdasal. Bago naupo, at kinausap niya ang nanay niya na para bang buhay pa 'to. Kinamusta niya 'to, at ikwenento niya ang kanyang trabaho, kasama na ang pagiging funeral singer niya.

Napatingla siya.

Matingkad na bughaw ang kalangitan, habang dumadaan ang mapuputing ulap rito. Ang sikat ng araw ay hindi nakakapaso sa balat. Malaking tulong na malamig ang hangin ngayon. 

Kaya nga nagsuot siya ng blue cardigan jacket, sa ibabaw ng kanyang yellong dress na hanggang tuhod. Ang buhok niya ay naka ponytail, at naka flat shoes siya dahil mas comportable siya rito. 

Naramdaman niyang kumakalam na ang sikmura niya. Kanina kasing lunch ang natirang bahaw na kanin sa umaga at nagluto lang siya ng isang instant noodles. Nahiya kasi siyang lutuin ang mga nasa refrigerator o magbukas ng de lata.

Napadukot siya sa kanyang cellphone sa bulsa ng jacket. At napa check sa oras.

4:00 pm.

Maaga pa sa inaasahan niya. Akala niya nasa ala singko na ngayon. 

"Nay, lalakad na ako," pagpaalam niya. 

Naglalakad na siya habang tinititigan ang kanyang cellphone. Marami siyang missed calls at messages. Lahat sa mga co-worker niya na hinahanap na siya. Wala ni isa sa apartment. Ibig sabihin, wala pang nakakaalam na umalis siya. 

Huminga siya ng malalim. Naisip niya ano kaya ang iisipin nina Mike at asawa nito. Na guilty siya? Na isa 'tong pag-amin na siya ang pumatay kay Boyet?

"Wala naman silang ebidensiya sa akin," sabi niya, "dahil hindi naman talaga ako ang pumatay rito."

Dumiin ang tingin niya sa daan. Noong biglang nagring ang cellphone niya.

Si Manda.

Naalala niya ngayon nga pala ang libing na dapat sana siya ang funeral singer. Pero umalis siya kaya si Manda ang pumalit sa kanya. 

"Hello Manda," sagot niya.

"Hello?"

"Naririnig kita, Manda."

"Tapos na akong kumanta," pabagsak ang boses nito, "nakalimutan ko pa sng lyrics... buti na lang busy silang umiiyak kaya mukhang hindi nila napansin." Tumatawa na'to.

Natahimik si Jasmina. Sa isip niya, mukhang nasa bad mood 'to kanina, pero mukhang ang tawa nito ay masaya naman. 

"Ano nga iyong kinanta ko?" tanong ni Manda sa sarili. "Basta... ang importante ay natapos din. So ano ka na diyan? Hanggang kailan ka?"

"Mga one week."

"Sure yan?"

"Parang sure na."

"Mukhang hindi ka pa sure." Napakamot ng ulo si Manda. "Kasi kung may kukuha sa atin next week. Go ko na'to. Ano?"

Umikot ang titig ni Jasmina, naghahanap ng masagot kay Manda.

"Mina nasa linya ka pa ba?"

"Oo..." Napakagat siya ng labi. "Pwede bang tawagan na lang kita kung sure na talaga."

"Kelan 'yon?"

"This week."

"Promise?"

"Oo, promise," diin niya.

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon