Chapter 16

108 5 0
                                    

Naalala ni Jasmina ang asul na libro na minsan na niyang nakita sa bookshelf sa second floor ng bahay. Baka naroon ang kasagutan sa mga katanungan niya. May paghihinayang tuloy siya na hindi niya binasa lahat ng pahina.

Kaya nagmamadali na siyang umuwi pabalik sa bahay. 

Pagdating niya ay halos liparin na niya ang patungo sa second floor. Nahinto lang siya noong sinalubong siya ng dalawang pusa na nakaupo sa sahig malapit sa bookshelf.

Parang kinabahan siya.

"Meeooow," si Kuning. Bago 'to lumapit sa paahan niya.

Kaya napaupo si Jasmina sa tabi nito, at hinimas ang ulo nito.

"Miiinnng," si Ikeng.

"Halika Ikeng, lumapit ka," aniya. 

Pero hindi 'to gumalaw.

Dito na siya napatayo kahit nagpapapansin pa si Kuning sa paahan niya. "Ikeng, bakit ayaw mong lumapit?"

Tumayo lang si Ikeng.

Noong nahagip ni Jasmina ang kinatatayuan nito.

Ito ang...

Agad siyang napatakbo. At parang natakot si Ikeng kaya gumalaw 'to palayo sa kanyang kinatatayuan.

Kaya mas malinaw niyang nakita kung anong tinatayuan ni Ikeng.

Ito ang asul na libro na kailangan niya.

Maingat niya 'tong pinulot sa sahig. Bago napako ang mga mata niya sa libro. "Ang Alamat ng Bulanlawa." May naramdaman siyang nginig noong binigkas niya ang bawat letra. At parang lumambot ang mga tuhod niya. Kaya agad siyang napaupo.

"Meeeooow," si Ikeng.

Tinitigan niya ang dalawang pusa. Na sa oras na'to ay nasa harapan niya na nakaupo habang nakatingin sa kanya. Na para bang naghihintay sila na magstorytelling siya.

Bumaba ang mga mata niya sa libro.

"Meeeoooww," si Kuning.

Napaigtad si Jasmina. Kaya muntik na niyang mabitawan ang libro. "Kuning, magbabasa lang ako." Muli niyang binaling ang atensyon sa libro. "Ang Alamat ng Bulanlawa."

Mabigat ang kamay niya noong binuklat niya ang unang pahina. Pero hindi 'to nakapigil na hindi siya magbasa. Bawat letra ay binasa niya. Dahil natatakot siya na baka malaktawan niya ang hinahanap niya.

Bawat anito ay binasa niya. Kung sino, ano at saan sila. Hanggang umabot na siya sa pahina tungkol sa mga diwata. Ang mataas at mababa na uri. Sa pahina tungkol sa Ula, ang mababa na uri ng diwata, ay may muling umagaw sa atensyon niya.

May babaeng mahabo ang buhok at nakaupo nang pa sideview. Sa ilalim ng picture ay may nakasulat.

Bumilog ang mga mata niya. 

"Diwak," bulong niya.

Muli niyang tinitigan ng mabuti ang babae sa libro. "Isa siyang Diwak." Bago nagpatuloy siya sa pagbabasa.

"Ang Diwak, ay isang Ula na isang mababang diwata. Siya ay mahilig sa mga hayop, lalo na sa mga pusa. Madalas ay hinihiram niya ang mga pusa na nakukursunadahan niya. Kadalasan ay binabalik din niya ang mga pusa. Pero may mga pagkakataon na hindi na sila nakakabalik. At may kapangyarihan siyang manggamot ng mga sugat, maglakbay ng malayo ng sabay, at magpalit anyo."

Napaupo siya ng tuwid. 

Naisip niya muli noong may pumasok sa bahay. Hindi kaya...

Napatingin siya sa mga pusa na nakaupo pa rin sa harapan niya. Paano kung nakursunadahan niya ang mga pusa sa bahay? Pero bakit hindi niya sila kinuha?

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon