Chapter 18

116 6 0
                                    

Kanina pa tahimik si Jasmina. Simula noong pagbaba ni Lyka at pagtungo niya sa kusina ay halos hindi na nagsasalita si Jasmina. Kaya naghintay siya ng perfect timing para makausap 'to. Naupo na si Jasmina upang simulan ang paghimay ng dahon ng malunggay.

"Mina, tungkol kahapon. Naalala mo na tinangon kita kung may hindi ka sinasabi?" panimula ni Lyka. "Napansin ko kasi na matamlay ka."

"Wala lang talaga 'to, Ate," sagot niya. Ang atensyon niya nasa ginagawa niya. Naisip niya mabuti na may rason siya ngayon na hindi niya kailangan salubungin ang titig ni Lyka. Dahil tiyak niya mahahalata lang nito na nagsisinungaling siya.

"Wala ka talagang sasabihin?" tumaas ang boses ni Lyka.

"Okay lang talaga ako," she insisted.

Napabuntong hininga si Lyka. "Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mong pag-usapan. Naisip ko kung tungokl 'to sa work mo. May problema ka ba doon?"

"Ate, wala."

"Hindi ka ba nila hinahanap ngayon?"

"Nagpaalam ako nang maayos. Ngayon lang din naman ako nagbakasyon ng mahaba simula noong nagtrabaho ako. Naisip ko na din na lumipat ng trabaho.

"Bakit naman?"

"Bagong oportunidad lang," diretso na pagkasagot niya.

"Pero magpaalam ka ng mabuti sa factory, ha?"

Dito na tumingin si Jasmina kay Lyka. "Oo, Ate."

Naisip ni Lyka na mukhang siya lang ang nag-iisip na may problema dahil mukhang wala naman. Kapanipaniwala naman ang sinabi ni Jasmina sa kanya ngayon. Noong may naalala siya. "Mina, kamusta pala ang apartment mo sa Maynila?"

Hindi na umangat ang ulo ni Jasmina. Nakatitig lang siya sa hinihimay niyang malunggay. "Okay naman. Never naman ako nagka problema sa landlord ko. Mabait naman si Kuya Mike at asawa niya." Ni minsan never niyang naikwento sa kanila ang palaging pang ha-harassed ni Boyet sa kanya. 

Narinig nila na bumababa na ang mga bata dahil nagtatakbuhan na ang mga 'to. Dito na napatayo si Lyka upang pagsabihan ang mga anak niya. Tahimik na pinapasalamat 'to ni Jasmina na nagmamadali nang matapos ang kanyang ginagawa. 

Ilang minuto rin ng walang pumapansin kay Jasmina dahil naging abala ang mag-asawa. Si Lyka sa mga bata. Si Tonyo naman ay dumiretso sa labas para i-check ang tricycle. Finally, tapos na siyang mag-luto. Inihanda na niya ang mesa, ang mga kubyertos at pagkain. 

Noong handa na ay tinawag na niya sina Lyka at ang mga bata para makakain na. Bitbit ng mga bata ang mga pusa noong naupo na sila.

"Pwede ba, ibaba muna ninyo sina Ikeng at Kuning," sabi ni Lyka, "at ako na ang tatawag sa tatay ninyo."

Naglakad na si Lyka patungo sa labas. Noong pumasok si Tonyo. Kaya sabay na ang dalawa na bumalik sa kusina at sabay nang naupo.

"May nawawala na namang pusa," sabi ni Tonyo.

"Sino daw?" tanong ni Lyka.

"Hindi ko nga kilala kung sino 'yon. Galing sa ibang barangay iyong kausap ko kanina," si Tonyo.

"Papa, bakit ang daming pusa na nawawala?" may concern sa boses ni Lyn-lyn, bago nito sinilip ang dalawang pusa na nasa ilalim ng mesa.

"Alam mo naman ang pusa minsan talaga namamasyal sila. At pagnalayo ay naliligaw na," sagot ni Tonyo.

"Papa, paano kung kinukuha sila?" Nakagusot ang noo ni Junior.

"Sino naman ang kukuha ng mga pusa?" Natatawa na sagot ni Tonyo. "Baka aso pa dahil..."

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon