Chapter 9

150 5 0
                                    

Madaling araw na noong nakarating si Jasmina sa probinsiya. At dahil ayaw niyang maabala ang pinsang si Tonyo at asawa nito ay pinili niyang maupo sa labas ng gate. Kahit malamig at madilim ay tiniis niya. Nakontento na lang siya na yakapin ang bag niya habang nag-aabang na magising na sila.

Dito sa kanyang pinsan niya naisipan na mamalagi muna. Kasi close sila ni Tonyo, parang kapatid na ang turing niya rito dahil magkapitbahay sila. Siya nakatira kasama ang nanay niya. Si Tonyo kasama ang mga magulang nito at ang nakakabatang kapatid ay ka edad ni Jasmina. Bale ang nanay ni Tonyo at nanay ni Jasmina ay magkapatid.

Pero noong namatay ang nanay ni Jasmina bago siya makapagtapos ng college ay naibenta ang bahay nila para pang gastos niya sa pag-aaral sa Maynila. Bumibisita pa rin siya sa kanyang mga kamag-anak rito pero isang taon na mahigit noong huli siyang nakabalik rito.

Wala namang masyadong nagbago, ang balita lang niya, ay isa sa pinsan nila ang kinasal. Maliban doon ganun pa rin ang hitsura ng maliit nilang bayan. Ang munisipyo ay matagal ng hindi na repaint, ang parke nila ay ang favorite pa ring tambayan at ang simbahan nila ay isa pa rin sa pinakamagandang tanawin na nakatayo malapit sa parke.

Hindi niya namalayan na nakaiglip siya habang yakap ang bag. Kaya hindi niya nasilayan ang paglitaw ng haring araw sa bughaw na kalangitan. Tanging ang tilaok ng mga manok ang pumukaw sa atensyon niya.

Humikab siya. Habang nag a-adjust ang mga mata niya sa liwanag. Hindi kasi 'to ang nakasanayan niya. Sa apartment kasi kahit maliwanag na sa labas ay malamlam pa rin sa loob ng kwarto niya. 

Sabay nang pagtayo niya ay narinig niyang bumukas ang pinto ng bahay. Agad siyang napalingon.

"Kuya Tonyo," halos sumigaw siya.

"Mina?" Napatakbo 'to sa may gate. "Ikaw ba yan?"

"Ako nga, Kuya."

"Mina..." Nalilito pa'to kung ano ang gagawin dahil napaka unexpected ang pagdating nito. "Halika tumuloy ka sa loob."

Agad tumuloy si Jasmina. Natutuwa siya na kahit may isang taon din na hindi sila nagkita ay ganun pa rin ang Kuya niya. 

"Kararating mo lang ba?" si Tonyo.

"Medyo."

"Kung ganun hindi ka pa kumakain?"

Tumango siya.

"Sakto nagluluto na si Lyka ngayon." Napangiti 'to.

Sinundan niya ang paglakad ni Tonyo papasok sa bahay nito noong may naalala siya. "Kuya..."

Napalingon 'to. "Bakit?"

"Pasensiya... hindi ko nasabi... pero pwede bang dito muna ako kahit isang linggo lang?"

Napatingin si Tonyo sa dala nitong maliit na bag. "Magbabakasyon ka ba?"

"Ganun nga."

"Edi mabuti," masaya ang boses nito, "isang taon ding hindi ka nakita ng mga pamangkin mo."

"Kamusta nga pala sina Lyn-lyn at Junior?" 

"Mabuti naman. Halika at nang makita mo na sila."

Nakangiti na si Jasmina noong sumunod siya hanggang sa nakapasok siya sa bahay. Bago pa rin tingnan ang two storey na bahay kahit nabili nila Tonyo 'to three years ago. At ang design ng loob ay ganun pa rin sa last time na bumisita siya. Ang kulay navy blue na sofa, at ang cotton blue na kurtina. Umaapaw ang blue rito dahil favorite color 'to ng dalawa. 

Natanaw niya si Lyka na nagluluto na ng almusal. Paglingon nito sa direksyon niya ay muntik na nitong mabitawan ang sandok ng pangprito. 

"Lyka, tingnan mo sino ang dumating," nakangiti pa rin si Tonyo.

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon