Chapter 22

125 4 0
                                    

"Aaaaagggghhhh!!!"

"Mina!"

Bumuka ang mga mata ni Jasmina.

"Ayan na nga ang sabi ko na huwag ka nang sumama," si Tonyo.

Naghahabol pa rin ng hininga si Jasmina kaya wala siyang narinig sa mga sinabi ni Tonyo. Para kasing totoo ang panaghinip niya. Nakita niya ang mga pusang sina Ikeng at Kuning. Pero nasa ilalim sila ng hukay, katabi ng puntod noong nilibing niyang mga pusa sa likod ng apartment.

"Sabi din ni Lyka kanina na sa bahay ka na lang at magpahinga. Dahil halata naman na pagod ka na," pagpatuloy ni Tonyo.

"Hindi na tayo babalik, ha? Malayo na rin tayo," sabi ng driver na lalaki na may-ari ng van na sinasakyan nila.  Tulad ni Tonyo nawalan din siya ng pusa. Noong nabalitaan niya na may video ay napanuod din niya 'to. Dito sila nagkakilala ni Tonyo at iba pa nilang kasamahan ngayon. Limang lalaki at si Jasmina lang ang nag-iisang babae. 

"Tuloy tayo," sabi ni Tonyo. Nilingon niya si Jasmina na katabi niya sa pinakalikod. "Kung gusto mo pagbaba namin sa van ay maiwan ka na lang dito. Baka magkasakit ka pa niyan."

"Okay lang ako," finally sabi niya. "Nakakain naman ako."

"Sigurado ka?"

"Oo, pero kundi ko na kaya babalik ako sa van. Pangako." Napasilip siya sa may bintana. Napansin niya na madilim at parang malayo na sila sa mga kabahayan. "Kuya, nasaan na tayo?"

Nagtanong si Tonyo sa isang kasamahan nila na nagsabi na may alam siyang lugar na patag na damuhan. Ang sagot nito ay malapit na sila.

Nagsisimula na si Jasmina na kabahan. Makikita nila kaya sina Ikeng at Kuning. Paano kundi? Paano na sina Lyn-lyn at Junior? 

"Dapat silang makabalik," bulong niya. Habang nakatingin pa rin siya sa may bintana kahit madilim sa labas.

Huminto na ang van. 

Inanunsyo na ng driver na nandito na sila. Hindi na sila nag-aksaya ng oras, at agad na silang bumaba sa sasakyan. Bawat isa ay may hawak na flashlight. Dahil sa gabi na'to walang buwan kaya umaasa lamang sila sa liwanag ng flashlight.

"Walang hihiwalay," sabi ng driver.

"Nasa unahan pa ang patag," sabi noong nakakaalam sa lugar. Kaya nauna na'to. Bago sila sumunod rito. 

Tatlumpung minuto na ang lumipas pero naglalakad pa rin sila. Sa bawat hakbang nila ay pataas ang lupa na inaapakan nila na parang umaakyat sila ng bundok dahil dito maraming puno. Pero wala 'to sa bundok. Nasa ibang Barangay lang 'to na may malawak na patag ng damuhan.

Hinihingal na si Jasmina. Feeling niya mukhang tama si Tonyo. Sa isip niya kaya pa kaya niyang magpatuloy?

"Nandito na tayo," sabi noong na una na lalaki.

Parang biglang nawala ang pagod ni Jasmina. Nagflashlight siya sa lugar. At tama nga ang kasamahan nila. Ang nasa harapan nila ay isang malawak na patag ng damuhan. Ang haba at tingkad ng berdeng damo ay kamukhang-kamukha sa kanyang panaghinip. Para ngang nakarating na siya minsan rito. 

"Bakit naman pupunta ang mga pusa rito?" sabi ng isang kasamahan nila.

"Oo nga, at malayo," dagdag ng isa.

"Hindi natin alam. Pero sa video 'to ang lugar na pinuntahan nila," sagot ni Tonyo.

"Baka di kalayuan may bahay rito at baka doon natin makikita ang mga pusa," sabi ng driver.

"Simulan na natin ang paghahanap," ang lalaking nakakaalam sa lugar. 

"Sama-sama tayo," si Tonyo. Lumingon siya kay Jasmina. "Huwag kang lumayo."

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon