Chapter 20

107 3 0
                                    

Parang bulkan na sumabog ang balita na nawawala ang mga pusang sina Ikeng at Kuning. Agad nagsitakbuhan ang mga bata sa buong sulok ng bahay hanggang sa bakuran upang hanapin ang mga pusa. Habang si Tonyo at Lyka ay umabot sa labas at sa mga kapitbahay upang magtanong-tanong.

Pero noong malapit na ang oras ng klase ng mga bata at pagpasok sa trabaho ng mag-asawa ay napilitan na silang tumigil sa paghahanap. Nagprotesta pa si Lyn-lyn na ayaw nitong pumasok at nais pa nitong maglibot-libot sa mga kapitbahay. At si Junior ay nais pumunta sa police station upang i-report ang nawawala nilang pusa. Pero hindi pumayag ang mag-asawa. 

Dito na pumasok si Jasmina. "Pumasok na kayo sa school. Ako na bahala maghanap kina Ikeng at Kuning."

"Samahan ka namin, Tita," nauutal na wika ni Lyn-lyn.

"Sama din ako," si Junior.

"Hindi pwede," sabi ni Tonyo. "Kailangan ninyo pumasok sa school. Narinig na ninyo sinabi ng Tita Mina ninyo. Siya na maghahanap."

Bago pa muling makaprotesta ang mga bata ay giniya na sila ni Lyka sa itaas upang makapagbihis na ng pang school.

Seryoso ang ekspresyon ni Tonyo noong sila na lang dalawa ni Jasmina sa may sala. "Mina, sana mahanap mo sina Ikeng at Kuning. Nasaksihan mo naman ang reaksyon nila..."

"Mahahanap ko sila, Kuya."

"Sana nga." Huminga 'to ng malalim.

"Buong araw ko sila hahanapin."

"Salamat, Mina." May pag-aalala pa rin ang boses nito.

Balak ni Jasmina agad niyang simulan ang paghahanap sa mga pusa sa oras na nakaalis na sila. Wala pang sampung minuto ay naiwan na siyang mag-isa sa bahay.

Pag-alis niya ay bitbit niya ay payong, cellphone at bottled water. Naglakad lang siya dahil feeling niya mas malaki ang chance na makita niya sila sa ganitong paraan. Una niyang nilibot ang paligid malapit sa bahay nila. Bago lumawak 'to sa buong Barangay nila. Noong wala pa rin ay umabot na siya sa iba pang Barangay. Nagtanong-tanong na siya. Pero walang nakakita sa kanila sa mga pusa. Kahit pa pinapakita niya ang mga picture nila mula sa kanyang phone. Kaninang umaga bago umalis sila Tonyo ay nagsend 'to ng picture sa phone para daw makatulong 'to sa paghahanap niya. Pero wala pa rin.

Sa halip, iba ang narinig niya mula sa bibig ng mga nakausap niya. May ilan na nawalan din ng mga pusa. Tulad niya ay sila din naghahanap.

Nakapagpahinga lang siya ng kaunti noong nagtanghalian siya ng alas singko na ng hapon. Sa kalenderya malapit sa sakayan siya ng bus kumain. 

Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paghahanap. Nagtungo siya sa mga natitirang Barangay na hindi pa niya napupuntahan. Pero ganun pa rin ang resulta. Wala pa rin.

Habang nakatayo siya sa ilalim ng puno ng avocado, ay muli niyang naisip ang sinabi ng ilang mga nakausap niya. Sila rin ay nawalan ng pusa. Dito na bumilis ang tibok ng puso niya.

Parang mas totoo na ang suspetsa niya. Wala na siyang ibang maisip na dahilan kung bakit nawawala ang mga pusa.

"Ang... Diwak," bulong niya.

Agad siyang napalingon sa may likuran niya. 

Tanging ang mga sanga ng puno ang gumagalaw pagdumadaan ang hangin. She took a deep breath. For a while she thought someone was standing behind her.

Ang Diwak, sa isip niya. 

Natatakot siya na kahit pag-ibulong niya 'to ay maririnig siya nito. Dahil wala nang duda sa puso at isipan niya. Naniniwala na siya sa sinabi ni Lola Esang. 

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon