Kalahating oras nang nakatindig si Jasmina sa bintana ng kwarto niya. Pero hindi siya nakaramdam nang pagkangalay sa kanyang mga binti. Dahil ang buong atensyon niya ay nasa sariwang bungkal na lupa.
Kung saan nilibing ang labindalawang pusa.
Muling may namuo na luha sa kanyang mga mata. At ilang segundo pa ay pumatak na sila. Ni hindi na niya napansin na kanina pa siya umiiyak dahil basa na ang pisngi at damit niya.
"Bakit mo sila pinatay, Boyet?" bulong niya.
Hinanap niya 'to kanina sa apartment. Pero nabigo siyang matagpuan 'to. Dahil hindi naman niya pwedeng pasukin ang mga kwarto rito at lalo na ang unit na tinutuluyan ni Boyet. Kaya kinatok niya 'to kanina. Pero walang bumukas. Ang hindi niya alam kung ayaw siyang pagbuksan nito o sadyang wala 'to rito.
Napakumo si Jasmina.
Nakita niya muli habang binababa ang mga patay na pusa sa iisang hukay. Ang mga mata ng iba ay nakabukas pa, at ang dugo sa katawan nila ay sariwa pa habang nagmantsa na'to sa balahibo nila.
Sana nga panaghinip lang 'yon.
Pero hindi.
Napalunok si Jasmina. "Iyong panaghinip ko...hindi kaya..." Muling bumalik sa alaala niya ang nakita niyang mga patay na pusa sa kanyang panaghinip. "Hindi kaya iyon may babala sa nangyari ngayon."
Napailing siya. Ilang beses na siyang may panaghinip na naidikit niya sa tunay na kaganapan sa kanyang buhay. Hindi 'to exemption. Sa isip niya, nagkataon lang. Maybe stress lang siya dahil hindi pa siya nakakaipon para makalipat siya kasama ang mga pusa.
Muli siyang humagulgol. This time, nakadikit ang kanyang palad sa mukha.
"Kung nakaipon na sana ako... hindi na sana 'to nangyari... bakit ko ba kasi sinaktan si Veronika... kung naroon pa sana ako sa bar." Dahil hindi hamak na mas malaki ang kinikita niya sa pagkanta sa Tikiki Bar.
Pagbaba ng kamay niya ay parang nakahilamos na si Jasmina ng mukha. Pero hindi pa rin siya nagpahid ng luha. Sa halip, muli siyang napatingin sa bagong libingan ng mga pusa, ilang hakbang lang mula sa bench.
"Kasalanan ko 'to," malakas ang boses niya. "Hinayaan ko kayong saktan ni Boyet. Hindi ko kayo naprotektahan."
Umihip ang malakas na hangin sa labas. Habang dumidilim ang kalangitan na nagbabadyang uulan.
Tumunog ang cellphone ni Jasmina na nakapatong sa kama niya. Pero hindi niya 'to pinansin. Kahit ang kulog na nagpayanig sa kwarto niya ay hindi nagpagalaw sa kinatatayuan niya.
"Boyet..." Nanginig ang boses niya habang paulit-ulit niyang binigkas ang ngalan nito.
Huminga siya ng malalim na parang pilit pinapakalma ang sarili niya. "Bakit mo sila pinatay? Bakit... hindi... na... lang... ikaw... ang... namatay?"
Nanlisik ang mga mata niya.
Nagsimula nang pumatak ang ulan sa kalangitan.
Pero para sa kanya malinaw pa rin niyang nakikita ang libingan ng mga pusa. Nailalarawan pa rin niya ang histura nila noong namatay sila.
Muling tumunog ang cellphone. This time, ang ringtone sa call.
Hindi pa rin niya pinansin.
Ilang beses pa rin 'tong nag-ring. Hanggang sa tumahimik ang kwarto. At ang tanging maririnig mo na lang ang patak ng ulan sa labas.
Finally, she heard the noise from the rain. Saglit siyang napatingla sa kisame, bago muling tinapunan ng tingin ang libingan. "Umaabot ba ang ulan sa ilalim ng lupa? Nilalamig ba kayo diyan?"
BINABASA MO ANG
Diwak (completed)
FantasyMatapos ang ilang taon, bumalik si Jasmina sa kinalakihan niyang probinsiya. Pero sabay nang pagdating niya, ay tuwing gabi ay misteryosong nawawala ang mga pusa. Ang iba ay bumabalik kinaumagahan, pero meron din ang hindi na. Hanggang may isang mat...