Mababa na ang araw noong nakarating si Jasmina sa palengke. Mas maingay at mas maraming tao na ngayon. Kaya walang nakapansin pagpasok niya sa tindahan ni Tonyo dahil abala rin 'to sa mga costumer. At para hindi makaistorbo ay pumunta siya sa paboritong pwesto ni Tonyo. Malapit 'to sa counter kung saan ka magbabayad. Pero hinihiwalay 'to ng isang makulay na kurtina. Sa loob ay isang masikip na espasyo at isang maliit na mesa. Dito kumakain at nagbibilang ng pera si Tonyo. Dito rin nito iniiwan ang mga mahahalagang gamit tulad ng laptop at cellphone dahil may lock ang drawer ng mesa. Pero ngayon nakalabas ang laptop at nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Hindi lang nakalabas. Nakabukas pa ang laptop.
Lumapit siya sa mesa.
"Mina."
Napakagat siya sa kanyang labi. "Kuya, pumasok na muna..."
"Nandiyan ang laman ng video," nagmamadaling sabi nito, na parang hindi narinig ang sinabi niya.
Agad napatingin si Jasmina sa screen ng laptop. Nakikita niya ang press play ng video.
"Panoorin mo ang video," anito.
Bago pa siya makasagot ay lumabas na si Tonyo upang asikasuhin ang mga costumer. Kaya naiwan muling mag-isa si Jasmina.
Mabagal ang pag-upo niya. Pero bumibilis na ang tibok ng puso niya. Ano kaya ang nilalaman ng video? Makikita kaya niya ang Diwak?
Napalunok siya habang diretso ang pag-upo at titig niya. Ilang segundo pa ay umangat na ang kamay niya.
Press play.
Mababa ang kuha ng video. Tulad nang sinabi ni Tonyo, nakakabit ang camera sa pusa. Pero malinaw. Nakikita ni Jasmina ang pag-galaw ng pusa.
Madilim pa noong lumabas ang pusa sa bakuran ng bahay nito. Naglakad 'to sa gilid ng kalsada ng ilang minuto. Sa background makikita mo ang flash ng ilaw ng mga sasakyan na nadadaanan ng pusa. Nagpatuloy 'to sa paglalakad, hanggang may nakasalubong 'tong isang pusa. Pag-ikot ng pusang may camera, ay may nakunan na naman na isa pang pusa. Hindi muling naglakad ang pusa na para bang tumambay muna 'to kasama ang mga kaibigan. It stayed this way for a few minutes. Bago parang nag freeze ang pusa dahil hindi na gumagalaw ang video.
May tinitingnan ang mga pusa.
Gumalaw na ang pusa na may camera. Mabagal 'to na parang naka stalk ng daga. Noong bigla 'tong tumigil.
Sumingkit ang mga mata ni Jasmina.
May parang gumagalaw sa unahan. Hindi klaro kung ano 'to. Pero mukhang palapit 'to sa pusa na may camera.
"Aaaaaaahhh!" Agad napatakip ng bibig si Jasmina.
Sa video ay may lumapit lang ng isang pusa.
Napahinga ng malalim si Jasmina.
Gumalaw na muli ang pusa na may camera. Sa pagkakataong 'to ay tatlong pusa na ang kasabay nito. Dumaan sila sa may poste ng ilaw kaya maliwanag niyang nakita na may isang pusa sa unahan na nakaupo. Paglapit noong pusa na may camera, ay dito malinaw na nakita niya na kulay puti ang bagong pusa na nakunan ng video. Pagtalikod nito ay lumitaw ang buntot nitong kulay itim.
"Teka," sabi niya.
Ang pusa na kulay puti ang katawan at buntot na itim ang nasa harapan noong naglalakad na muli ang mga pusa.
"Siya ba 'yong..." Bumuka ang labi niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang pusa na 'yan ay ang madalas niyang nakikita kung saan-saan.
Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Kaya napakapit siya sa mesa.
Sa video patuloy ang paglakad ng mga pusa. Nasa unahan pa rin ang pusang puti na may itim na buntot.
Ang lugar na dinadaanan nila ay familiar pa rin sa kanya. Nasa bayan pa rin sila.
BINABASA MO ANG
Diwak (completed)
FantasyMatapos ang ilang taon, bumalik si Jasmina sa kinalakihan niyang probinsiya. Pero sabay nang pagdating niya, ay tuwing gabi ay misteryosong nawawala ang mga pusa. Ang iba ay bumabalik kinaumagahan, pero meron din ang hindi na. Hanggang may isang mat...