Napapailing si Lyka habang naghihiwa siya ng sibuyas at ahos. Dahil hindi siya makapaniwala sa kwento ni Jasmina. Naisip niya tuloy na baka nagsisimula na 'tong ma bored. Baka nga nakasama pa sa kanya na nagbakasyon 'to rito.
"Mina, gusto mo maniwala ako sa'yo na may nagnanakaw ng pusa sa bayan?" tanong niya muli rito.
"Oo, Ate," diin ni Jasmina. "Nakita mo naman noong nagcheck tayo kung may nawawala na gamit ay diba wala?"
"Kaya naisip mo na baka magnanakaw 'yon ng pusa?"
"Pumunta siya sa kwarto ko." Nakakatiyak si Jasmina sa narinig niya. May mga yabag na pumasok sa kwarto niya kahapon.
Huminga ng malalim si Lyka. Bago natigil sa ginagawa niya. "Sa totoo lang Mina, mas nag-aalala ako na may nakapasok rito... kung totoo man ang...
"Ate, totoo ang sinabi ko," dugtong ni Jasmina.
"Okay," bitaw ni Lyka, "ang gusto kong sabihin ay mas nag-aalala ako na may nakapasok rito. Dahil paano kung niluoban tayo at kinuha mga gamit rito? Or worst sinaktan ka o baka tayo?"
Natahimik si Jasmina dahil hindi man lang 'to sumagi sa isipan niya.
"Dapat kagabi pa lang sinabi mo na sa amin," anito.
"Busy kasi kayo ni Kuya at ayoko naman na sabihin 'to sa harap ng mga bata."
"Ngayon umaga papuntahin ko si Tonyo sa police at ma pa blotter 'to." Nagsimula na siyang mag-gisa sa sibuyas at ahos.
"Ate kailangan ba akong sumama sa police station?" Bigla siyang kinabahan. Minsan na din siyang pinatawag sa police station. At hindi 'to ang isang karanasan na nais niyang maulit.
"Iyon nga ang sasabihin ko sana. Sumama ka na kay Tonyo." Nilagay na nito ang corned beef sa kawali.
Kaya nag-amoy ginisang corned beef na ang buong kusina.
Sa ibang pagkakataon ay ginutom na si Jasmina, pero ang isipan niya ngayon ay nasa police station lang. Paano kung may police na galing sa Maynila at makilala siya? Paano kung hinahanap na pala siya ng mga police? Paano kung ang litrato niya ay nasa wanted list na?
Namutla si Jasmina.
"Mina, huwag ka nang mag-aalala," si Lyka noong nahagip niya ang ekspresyon nito habang naka estatwa 'to sa gilid ng mesa. "Magpasalamat na lang tayo na walang nasaktan. Kaya dapat lang i-report 'to sa police at... Mina..." tawag niya noong napansin niya na lutang 'to.
"Ha?" Namumutla pa rin siya.
"Dapat na tayong mag-ingat." Hinihimay niya ang salita niya. "Naisip ko na baka hindi mo na lock ng mabuti ang mga pintuan kaya may nakapasok. Ngayon lang kasi 'to nangyari."
"Ate na lock ko lahat ng mga pinto," panigurado niya.
"Sure ka? What about ang bintana sa kwarto mo?"
Natikom si Jasmina.
"Mina, kailangan pagwala ka sa loob ng kwarto mo ay dapat nakalock 'yon. Alam mo naman na hindi 'yon jalousie o grill. Slide lang." Puminta ang pag-aalala sa mukha nito.
"Pasensiya na talaga, Ate."
"Next time make sure na lang na close. Sasabihan ko na si Tonyo na dapat magpalagay na ng grills."
Tumango si Jasmina. Kalahati ng utak niya ay sumasang ayon sa tinuran nito. Ang kalahati ay nasa nangyari kahapon. Naiwan niya nga na bukas ang bintana, at may nahagip siyang pumasok rito. Ibig sabihin hindi mga pusa ang sadya nito. Dahil dapat pagpasok pa lang nito sa kwarto niya ay dapat kinuha na nito ang mga pusa dahil natutulog lang sila sa kanyang kama. Pero hindi. Lumabas pa'to sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Diwak (completed)
FantasyMatapos ang ilang taon, bumalik si Jasmina sa kinalakihan niyang probinsiya. Pero sabay nang pagdating niya, ay tuwing gabi ay misteryosong nawawala ang mga pusa. Ang iba ay bumabalik kinaumagahan, pero meron din ang hindi na. Hanggang may isang mat...