Chapter 13

122 3 0
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw noong nagising si Jasmina. Kagabi pa lang ay nahihirapan na siyang makatulog. Hindi niya alam kung bakit binabagabag siya sa narinig niyang kwento sa matandang si Esang--- tungkol sa Diwak.

At dahil hindi na siya inaantok ay naisipan niyang lumabas sa may hardin. Dito tanging ang ilaw mula sa labas ng bahay ang nagpapaliwanag sa kapaligiran. Kaya natatanaw niya ang mga bulaklak na abot ng ilaw. 

Bigla niyang naisip ang nanay niya, mahilig din 'yon sa hardin at mag-alaga ng mga bulaklak. Noon pangarap niya na pagsumikat na siya na singer ay bibili siya ng malaking bahay na may malawak na hardin. 

Huminga siya ng malalim.

"Hindi talaga lahat ng nais mo sa buhay ay natutupad," bulong niya habang nakatitig sa pulang rosas. 

Naisip niya diba dapat nag-iipon na siya ngayon para sa kanyang ibang pangrap. Pero 'to siya ni hindi nagpaalam sa kanyang pinagtratrabahuan.

"Dapat bumalik na ako pagkatapos ng isang linggo," sabi niya ng malakas. Bago siya napalingon sa kwarto niya.

Dito bukas ang bintana, pero nakababa ang kurtina sa loob.

Noong may dumaang malakas na hangin. Na nagpataas baba sa kurtina. 

Sumingkit ang mga mata ni Jasmina.

Kahit madilim sa loob ng kwarto niya, ay parang may naaaninag siyang kakaiba sa gilid ng kama niya. Hindi niya tiyak kung ano 'to.

Parang may damit.

Humakbang siya palapit sa kwarto niya.

Parang may nakatayo.

Bumilog ang mga mata niya

Parang may tao sa loob.

Bumuka ang labi niya. Pero bago pa siya makasigaw ay muling bumaba ang kurtina. Hinintay niya na muling umangat 'to. Pero humina na ang ihip ng hangin. Sumisikat na rin ang haring araw.

Kaya patakbo na bumalik si Jasmina sa kwarto niya upang tingnan kung ano iyong nakita niya. Bigla siyang kinabahan. Tao ba 'yon? May nakapasok ba? Paano kung may balak 'yong masama.

Naisip niya agad ang pinsan niya at pamilya nito.

Patulak niyang binuksan ang pinto na patungo sa kusina.

Noong muntik na siyang mapasigaw.

"Mina, magandang umaga," pagbati ni Lyka.

Na estatwa si Jasmina sa may pintuan.

"Okay ka lang?" Nagusot ang ekspresyon nito.

Umikot ang mga mata ni Jasmina sa buong sulok ng kusina hanggang sa pintuan ng kwarto niya. Close pa rin 'to tulad noong paano niya 'to iniwan.

"Ate Lyka, kanina ka pa ba rito?" Mabagal siyang pumasok.

"Mga ten minutes. Bakit?"

"Teka lang," sabi niya. Bago siya dumiretso sa kanyang kwarto. Maingat niyang binuksan ang pinto. At pagkabukas ay sumilip muna siya. Ang liwanag mula sa labas ay sapat na upang makita niya ang kabuohan ng kanyang kwarto.

Wala siyang nakita.

Ni kahit anino.

"Mina?" si Lyka.

Muntik ng malalag ang puso niya. Kaya mabagal siyang napalingon rito. 

"Ano bang ginagawa mo?" 

"Wala."

"Hindi ka ba nakatulog ng mahimbing kagabi?"

Tumango si Jasmina.

"Kaya ka balisa." Nagtungo si Lyka sa may lababo upang abutan siya ng baso ng tubig. "Uminom ka muna."

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon