Chapter 19

104 2 0
                                    

Gabi pa lang ay nakapagligpit na si Jasmina sa kanyang mga gamit. Ang balak niya bukas ng umaga niya sasabihin na aalis na siya. Para hindi na nila siya mapigilan o hindi na sila magkaron ng maraming tanong. Dahil bukas may trabaho sila at may eskwela ang mga bata. Wala silang sapat na oras para makipag-usap sa kanya. Kaya 'to ang perfect time.

Tumawag siya kay Manda. "Hello, Manda. Pauwi na ako bukas."

Halos mapatalon si Manda. "Sure na 'yan?"

"Oo, nakapagligpit na nga ako."

"Babalik ka ba sa apartment mo?"

"Hindi na."

"Saan ka tutuloy? Gusto mo sa bahay ka na lang muna?"

"Salamat. Pero marami naman akong apartment na alam. I'm sure na may mahahanap ako na bakanteng kwarto. Pero kung wala pwede ba tumuloy muna ako sa'yo?"

"Iyon nga ang sabi ko." Natawa si Manda. "Excited na ako makita ka at para makabalik na tayo sa gig natin. I-text ko si Leroy after, sure ako matutuwa 'yon."

May thirty minutes pang nakausap niya si Manda. Marami pa 'tong naging kwento sa kanya. Halos hindi na siya nakaimik dahil non stop ang putak ni Manda sa cellphone. Kaya pagkatapos nilang mag-usap feeling niya gusto na lang niyang matulog.

Saglit lang noong pagpikit niya ay nakatulog na siya.

Sa huling gabi na inaasahan niya, ay dinalaw siya ng isang panaghinip.

Nakatayo siya sa berdeng kapaligiran. Maulap ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin. Baka sa ibang pagkakataon, ay nagbasa siya ng libro habang nakaupo sa patag na damo. Pero hindi ngayon. Dahil hindi siya mapalagay.

Maliban kasi sa dumadaan na hangin, ay wala ka ng ibang maririnig at makikita. Iyong pakiramdam mo na nag-iisa ka na lang sa buong mundo.

"May nangyari kaya? Nasaan sila?"

Humakbang siya sa unahan. Umaasa na di kalayuan ay may matatanaw siyang puno o ano mang buhay na nilalang maliban sa kanya.

Pero malayo-layo na rin ang nilakad niya ay nag-iisa pa rin siya. Napansin rin niya na walang nagbago sa kapaligiran niya. Para lang hindi siya lumayo.

Kinabahan na siya. "Nasaan na ba ako?"

Umiikot ang mga mata niya sa kalangitan. Baka dito may mahagip siyang ibon o insekto. Pero tanging mga ulap lang ang sumalubong sa kanya.

Pagbaba ng mga mata niya.

Napansin niya na parang nagkukulay-abo ang kapaligiran niya. Bumagal na rin ang pag-ihip ng hangin. Naisip niya na mukhang malapit nang magdilim. Kaya muli siyang naglakad palayo.

Unti-unti nang naglalaho ang berdeng kulay ng damo. Hanggang napalitan na'to ng itim. Ngayon, wala na siyang nakikita maliban sa sarili niya na parang umiilaw siya. At tuwing umaapak ang paa niya sa damo ay nagliliwanag din 'to. Kaya nagpatuloy siya sa paglakad.

Bigla siyang nahinto.

Di kalayuan, ay may nahagip siyang babaeng nakaupo, at tulad niya nagliliwanag din 'to. Ang posisyon nito ay parang nakasandal sa isang puno.

May kaba siyang naramdaman, pero nanaig ang kasiyahan niya na sa wakas may nakita siyang ibang tao rito. Kaya nilapitan niya 'to.

Pero hindi pa siya nakakalapit, ay tumindig na ang babae.

"Teka!" tawag niya.

Huminto ang babae na nakatalikod sa kanya.

"Huwag kang matakot sa akin. Ako si Jasmina. Hindi ako masama. Naligaw lang ako rito. Gusto ko lang sana magtanong."

Diwak (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon