CHAPTER TWENTY THREE

37 5 0
                                    

Chapter 23

Pagkatapos kong nagbayad lumabas na rin ako. Hindi ko na abutan si brother Tyrant. Kinuha ko nalang ang kabayo at tsaka sumakay para makauwi.

Sinadya ko talagang dito kami magkita para hindi na siya mahirapan pa. Medyo malapit lang kase sa kanila dahil bandang nasa south din ang mount Sovereignty.

Ayun nga lang medyo may kalayuan sa Blackednight fortress pero okay lang dahil ako naman ang may pakana. Hindi niya man lang kinuha ang gintong pambayad ko sa ibinigay niyang fireworks.

"Young master." bungad ng mga kawal nang makarating ako sa front gate.

"Please open the gate."

Binuksan nga nila kay pumasok na ako. Pinatakbo ko ang kabayo hanggang nakarating ako sa chamber ko. Inutusan ko ang isang kawal na itali ang kabayo sa kwadra nito.

Hindi ko akalaing bubungad sa akin ang tatay ko habang sinusuri ang bawat sulok sa chamber ko.

"Why are you in my chamber dad?"

"I'm waiting for you, I'm here to remind you that you'll start tommorow."

Tumango ako ng napipilitan sa kanya. Masyado naman kasing excited ni hindi pa nga ako nakakatulog ayan na kaagad ang sasabihin niya.

Pagkatapos niyang ipapaala sa akin ang mga bagay na ayaw ko talaga gawin ay lumabas na rin siya.

Simula bukas ay doon na ako sa farm namin tutuloy ng isang buwan. Grabe ang kapalit ng paglabas ko hays.

Nagpalit ako ng damit bago natulog. Kinabukasan ay maaga akong ginising dahil binuusan ako sa mukha ng tubig ni Felix.

Dali-dali akong bumangon at sinugod siya. Napakabastos talaga!

"You!!!" galit kong sigaw.

Ngumisi siya ng nakainis.

"Your father told me to that. If you want to complain then go to him! Don't blame me pathetic!"

Dinakma ko ang kwelyo niya ng mahigpit. Ngumisi pa rin siya ng ngumisi, inis ko naman siyang kinaladkad palabas sa chamber ko.

"Damn!"

Wala akong choice kung hindi magbihis at umalis. Hindi na ako nagpaalam na pupunta sa farm dahil alam naman ni dad.

It took me two hours of travel to the farm. Medyo mainit na rin ng dumating ako. Sakto namang pagkarating ko ay sinalubong ako ng mga farmers.

"Young master." lahat sila ay mga lalaki.

Bihira lang na may nakikita akong babae sa angkan namin. Mahigpit na ipinagbabawal ni dad na pagala-gala ang mga kababaihan sa amin. Mayroong kaunting kababaihan ayun ay ang mga katulong at tagaluto. Wala akong nakitang mga bata o kaedad ko sa loob ng fortress namin.

Napakamot ako sa batok ng kakarating ko palang nga ay inabot na sa akin ang pala at ilang mga kagamitan sa pagtatanim.

"Daaaaaaad!!!!" halos pasigaw kong sabi.

Hindi ko naman magawang pagalitan ang mga tauhan namin dahil inutusan lang din naman sila.

"Iniutos kase ni Master na salabungin ka namin sa ganitong paraan young master Yen. Aniya pa lagot kami kung hindi namin ito gagawin."

"No need to explain... I understand." tugon ko sabay talon pababa sa kabayo.

Dinala nila ako sa lupa kung saan may iilang taong nagtatanim ng mga palay.

THE LEGENDS OF SWORD AND SHIELDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon