CHAPTER TWENTY EIGHT

35 5 0
                                    

Chapter 28

Third person point of view

[West region, Bladesmac city]

Lubos ang galit na naramdaman ni Anthony habang nakatingin kay Tyrant na siyang nagtatanong sa kanya ng mga bagay tungkol sa ginawa niya.

Nakatayo ito habang nakagapos ang dalawang kamay at paa.

"Aren't you going to admit Anthony?"

Hindi naitago ni Anthony ang takot nang marinig ang mapanganib na tono ng pananalita no ni Tyrant.

Kung gaano ka galit si Anthony mas doble ang galit na naramdaman ni Tyrant ngunit pinigilan niya ang sarili upang hindi makagawa ng kamalian.

Tumawa ng malademonyo si Anthony.

"Why would I admit the thing that didn't do? Tyrant... Tyrant you're throwing false accusations against me. Why don't you admit that you hold grudges against my family for taking the position of being a ruler of the mortal realm? You are just making an excuse." tugon naman ni Anthony.

Tumayo si Tyrant mula sa upuan. Walang emosyon ang nakikita sa kanyang mukha habang naglalakad palapit kay Anthony.

Kinuha niya ang latigo at hinampas ng malakas si Anthony ng sunod-sunod. Walang nagawa ang mga opisyales niyang kasamahan dahil ginagawa lamang ni Tyrant ang kanyang tungkulin.

"Arrgggh!" napasigaw sa sakit si Anthony ngunit hindi pa rin siya tinigilan ni Tyrant.

"What? Are you going to admit your fault or not?" malamig na tanong ni Tyrant.

Gustong-gusto ni Anthony na patayin si Tyrant sa mga oras na ito.

"Young master Piarch please ease your anger." singit ng isang opisyal.

"It seems like I have to work harder to make him admit his crime." seryosong ani Tyrant.

Tinigilan niya rin matapos ang sampung hampas. Bakas na nasaktan ang mukha ni Anthony.

"Don't forget this day Tyrant! Don't forg--- Arrrghhhh!"

Mabilis na inilapat ni Tyrant ang bagay na mula sa kalayo. Muling napasigaw si Anthony sa sakit nang lumapat ito sa kanyang dibdib.

"I don't have time for your nonsense." ani Tyrant sa kanya.

Galit na pumasok si headmaster sa loob ng interrogation room habang bitbit ang kanyang espada.  Nanlamig ang kanyang katawan nang madatnan ang anak.

"TYRANT!" sigaw nito at sinunggaban si Tyrant sabay suntok ngunit walang kahirap-hirap na nailagan niya ito.

"What do you think you are doing head master Helpex? Do you want other people to know that you are tolerating this kind of behavior?" malamig at seryosong tanong ni Tyrant sa kanya.

Nagtitigan silang dalawa. Hindi natakot si Tyrant kahit na may mataas na posisyon ang matanda sa kanya. Hindi si Tyrant basta-bastang natitinag lalo na kapat alam niyang nasa katwiran at hangad niya ay katarungan sa bawat isa.

THE LEGENDS OF SWORD AND SHIELDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon