Chapter 29
Third person point of view
Nilunok ni Fynxian ang takot na naramdaman habang buhat-buhat si Tyrant sa likuran.
"Ah bahala na!" aniya sa sarili tsaka pumasok sa mansion ng kanilang farm.
Hindi siya dumiretso sa main mansion ng Yen dahil tiyak na hindi magugustuhan ng kanyang ama na makita silang magkasama ni Tyrant.
"Tanda!" tawag nito kay tandang George.
Natarantang tumakbo ang matanda papunta kay Fynxian. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makita kung sino ang karga-karga ng batang Yen.
"What happened?"
"Let's put him in the special room tanda." nag-alalang sabi ni Fynxian.
Tumango ang matanda. Iginiya niya ang dalawang binata sa special room.
Hiniga ni Fynxian si Tyrant sa malambot na kama.
"I know you're shocked seeing ua together tanda but I have no other choice. I can't bring him to mount Sovereignty."
Napabuga ng hangin si tandang George habang nakatingin sa mukha ng kaawang-awang binata.
"Kukuha lang ako ng mga halamang gamot."
Humakbang ang matanda palabas ngunit nagsalita si Fynxian.
"Tanda." mahihimigan ang pagmamakaawa ni Fynxian.
"Paumanhin pero sa mga oras na 'to tiyak akong alam na ni Master na nandito kayo."
Dismayadong napayuko si Fynxian. Talaga ngang kahit saan ay may nakabantay na mga mata sa kanya.
Sinulyapan niya ang kaibigan. Pinigilan niyang mapaluha. Emosyonal na napangiti nalang siya at umupo sa gilid ng kama.
"I told you to stop bearing problems with yourself. Why are you stubborn?" mapait na tanong nito sa kaibigan.
"Did you forgot that you're the sword and I'm the shield? Where the sword is there's also the shield. Let's vanquish all evils in mortal realm, we must do it together okay? I don't care whether our clans are rival. We have common goals and I'll stick with you."
Nanatili siyang nakatingin sa kaibigan. Maya-maya pa ay pumasok si tandang George dala ang mga halamang gamot.
"Tanda." bungad ni Fynxian sa kanya.
Tumango si tanda tsaka binigyan ng ngiti si Fynxian. Napaisip siya kung anong pwedeng mangyari sa binata pagnalaman ng tatay niya na dinala niya ang anak ng kaaway.
Nasa kalagitnaan sila ng paggamot kay Tyrant nang biglang may pumasok.
Nagulat ang matanda at si Fynxian nang mapagtanto kung sino ito.
"Dad/Master?" sabay na wika ng dalawa.
Bakas ang galit sa mukha ni master Yen habang nakatingin sa ginagawa nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDS OF SWORD AND SHIELD
FantasíaThere's a two young masters are from Yen and Piarch clans, these two clans treat each other as a great enemies in mortal realm. Fynxian Yen is a naughty and loves to wanders everywhere, this young man is tough as rock but he have a warmth heart cam...