CHAPTER TWENTY FIVE

35 4 0
                                    

Chapter 25

Nakatulog ako sa loob ng mahabang oras. Bigla ko nalang naramdamang nakagapos ang dalawang kamay at paa ko sa parang poste na gawa sa bakal.

"Paano ako napunta dito?!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong nakatingin sa akin.

"Don't tell me I'm in the auction range of black market?!"

Nagpupumiglas ako ng makumpirma ngang nasa loob pala talaga ako ng black market. Hindi rin ordinaryong kadena ang nakatali sa kamay at paa ko.

Kumirot ang sugat ko sa tagiliran. Kinagat ko ang labi nang hindi matigil-tigil ang sakit na naramdaman.

Maingat ang buong paligid, may ibang magsusugal sa ibang banda. May iba rin na nag-iinuman kasama ang mga babae. Samantalang ako ay napapalibutan ng mga galanteng mga babae at lalaki.

'Are they going to dissect me to get my internal organs?'

Nakaramdam ako ng kaunting kaba... Kinabahan ako na baka kapag nagtagumpay sila ay mamatay lang ako na hindi pa nahahanap ang taong may kasalanan sa kuya ko. I won't let it happen!

May naglakad na malaking lalaki sa entablado kung nasaan ako nakagapos. May hawak-hawak siyang malaking palakol.

'Hindi siya nahiyang gamitin iyang sa katawan ko? Tiyak na wala silang mapapakinabangan, akalain niyo ba namang mas malaki pa ito sa katawan ko?!'

"Hay naku salamat at nagising kana rin." aniya.

"What the heck are you doing? Let me go." inis na wika ko sa kanya.

"At bakit ko naman gagawin iyon? Alam mo bang kanina ka pa namin inaantay na magising? Maraming interesadong bibili saiyo." aniya habang ngumunguya ng damo.

"You must be kidding me giant boy. Who the heck would buy a rug man?"

"HAHAHAHA!"

Tumawa siya ng malakas, ang kapal rin ng boses niya kung narinig niyo lang paniguradong nabingi na kayo.

"Why are you laughing? Let of me I'll give you a lot of gold and silvers!" reklamo ko.

Galaw ako ng galaw kahit na alam kong wala naman akong takas.

Sumeryoso ang mukha niyang may mga butlig-butlig pa. Siguro hindi man lang siya naghihilamos ng mukha. Sing itim niya rin ang uling. Walang damit at ang laki pa ng tyan. Hindi naman sa nanglalait ako, sadyang inilalarawan ko lang siya.

Dinakma niya ang mukha ko ng may diin. Syempre may sugat ako sa mukha kaya naman napangiwi ako.
Ang kapal pa ng mukha niya inilapit sa mukha ko.

"ANG DAMI MONG SATSAT BATA!"

"ANG BAHO NG HININGA KO GIANT BOY!" reklamo ko.

Halos masuka ako ng maamoy ko ang hininga niya. Hindi ko maipaliwanag basta mabaho talaga!

Nabwesit ako ng bumuga siya sa mukha ko. Napakisap naman ang mga mata ko dahil doon.

"Hahaha that man is still cute! I wanna buy him!" sigaw ng babae.

Kumunot ang noo ko nang makita ang babae. Ang laki ng mata niya at ang haba ng tainga.

"Ano bang klaseng mga tao sila?" bulong ko.

"KUNG SINO ANG MAGBIBIGAY NG MALAKING HALAGA AY MAPAPASA KANYA ANG LALAKING ITO!" sigaw ni Giant boy. Hinuhat niya rin ang palakol sa balikat.

THE LEGENDS OF SWORD AND SHIELDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon