CHAPTER THIRTY FOUR

28 4 0
                                    

Chapter 34

Third person's POV

Umuwi si Fynxian bitbit ang ama. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng mga nangyayari.

"Y-young master!" sigaw ni Damytha habang tumatakbo papunta sa direksyon ni Fynxian.

Tila wala siyang naririnig. Patuloy siya sa paglalakad na parang bangkay.

"Gill." naiusal niya ng makita si Gill na namumugto ang mga mata.

Tumakbo ito at inalalayan si Fynxian na buhatin ang master.

"Get my brother's body here... We'll gather everyone to send them to their final destination."

Pinagtipon-tipon nila ang lahat ng mga disciples at mga tauhan.

Mahigit isang buwan nawala si Fynxian. Walang nakakaalam kung saan siya napunta. Nakahanda na siyang salubungin ang pamilya ngunit nang nakarating sa Blackednight fortress ay sinalubong siya ng malungkot na balita.

Una ay naabutan niya ang kanyang nakakatandang kapatid na wala ng buhay. Kaagad na pinatatawag niya si master Erwan ng Herbs Valley upang suriin ang biglaang pagkamatay ng kanyang kuya.

Mas lalong hindi niya kinaya ang iba pang mga masasamang balita. Nang marinig niyang kinuha ang kanyang ama upang paaminin kung nasaan siya. Nagmadali itong pumunta sa mount Sovereignty subalit nang hindi siya umabot...

"It was all my fault. My fault."

Tumakbo siya sa likuran ng peony flower at humagulgol. Bigla siyang napaubo ng dugo.

"If I wasn't away from them these things wouldn't happened!!! IT WAS ALL MY FAULT!!!"

Unti-unting nagiging kulay ginto ang kanyang mga mata senyas na galit na galit ito. Pinigilan niya ang kanyang sarili at dahil nanghihina siya mas lalo siyang nasaktan at sumuka na ng maraming dugo.

Mas lalong naging masama ang kondisyon ng kanyang katawan ng dahil ito. Masyadong kinakailangan ng lakas ng kanyang katawan. Sa oras na kalagan niya ang spiritual eagle mas lalo lang siyang mawalan ng lakas. Ginamit niya na ito kanina at hindi niya na maaring gamitin pa ulit.

Kung siya ay nanghihina ganoon din ang eagle dahil ito ang kanyang core magical treasure. Unti-unti siyang napaluhod at hindi niya na kinaya ang sakit na nararamdaman.

Hindi niya namalayang napapikit na siya. Nakita siya ni Liu na nakatulog sa peony garden.

"I felt sorry for you." aniya at tsaka pinunasan ang luha sa mukha ni Fynxian.

Hinayaan niya lang ito dahil ayaw niyang isturbuhin. Lumipas ang ilang oras unti-unti na siyang nagkaroon ng malay.

Kanina pa nag-alala sina Damytha at ang mga iba pang mga taga Yen clan.

"Young master saan ka ba nang galing? Kanina ka pa namin hinahanap!" bungad ni Damytha sa kanya.

Ngumiti siya tsaka inakbayan, "you're still the same. How are you these days?"

Kakaiba ang nararamdaman ni Damytha. Hindi niya inaasahan na ganito pa rin si Fynxian. Akala niya sisigawan siya at papagalitan ngunit hindi, kahit na nasasaktan ay nakangiti pa rin ito.

THE LEGENDS OF SWORD AND SHIELDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon