Kabanata 11

484 12 0
                                    

Inip akong naghihintay kay Mekael dito sa bahay kasi ngayon kami gagawa ng project namin. Kina Joan daw at hindi ko alam kung nasaan 'yon. Sabi niya malapit lang daw dito pero wala akong ideya kung saan.

"Ate Kuya Dave won't come here today?" Nakapout na tanong ng kapatid ko sa akin na kinakibit balikat ko.

"I don't know, just play with Plue today." He pouted even more and nodded.

Ilang sandali pa dumating na rin si Mekael kaya nagpaalam na ako kina Mommh na aalis muna ako.

"Maglalakad lang tayo?" Nagtatakang tanong ko na kinatango tango niya habang malapad ang ngiti sa mga labi.

"Yezz naman" kunot noo nalang akong sumukob sa payong na dala niya saka sumabay sa kaniya sa paglalakad.

I was expecting us to be there after one minute or two but we haven't yet. Namamawis na ang noo ko hindi parin naman nararating ang bahay nina Joan na malapit lang daw. I am wearing a denim short shorts and spaghetti strap thin crop top and it's not really good for me to walk in this so hot place. Parang walang naitutulong ang payong.

"Are you sure about this? Can't we just wait for tricycle or something?" Inis na reklamo ko pero inilingan lang niya ako.

"Kaunting kembot nalang makakarating na tayo. Chill ka lang gurl." Napairap nalang ako.

"Mekael, let's just wait for a ride." Inis na reklamo ko ulit pero inilingan niya lang ako saka tinuro ang bahay sa malapit.

"Ayan na oh." Napakunot nalang ang noo ko ng makita ang bahay nina Joan.

I thought ours was really in bad shape but looking at their house right now made me think that I am still lucky. Their house is made of bamboo and it's small, literal small. May puno rin ng mangga sa gilid kung saan may upuan na gawa sa kawayan.

Biglang lumabas sina Joan at Jovelyn mula sa bahay kaya agad silang tinawag ni Mekael. Bahagya pa silang nagkatinginan bago lumapit sa amin na nagpairap sa akin.

"Hali na kayo, dito nalang tayo sa labas gumawa dahil mahangin." Nakangiting sabi ni Joan saka tinuro ang kawayan na upuan na may mesa rin pala na maliit.

Sumunod ako sa kanila habang ang mga mata ko umiikot lang sa paligid, sa bahay nila to be exact.

I am curious what it looks inside.

Biglang may lumabas na may edad na babae galing doon kasama ang isang batang babae na nasa sampu ata ng nakangiti.

"Andito na pala ang mga kaklase mo anak."

"Opo nay, nay si Bella nga po pala bago siya dito." Napakunot ng bahagya ang noo ko dahil sa pagpapakilala niya pero tumango rin ako kalaunan para hindi maging bastos.

"Ikaw ba hija ang anak ni Sandie?"

"Yeah" I said and nodded a little.

Hinagod niya ako ng tingin bago ngumiti ulit.

"Sige na gumawa na kayo ng project niyo, ipagluluto namin kayo ni Lenlen ng meryenda at tanghalian."

"Salamay Tita" masayang sabi ni Mekael saka naupo na sa upuan kaya tumabi nalang ako.

Curious ako na napatinghala sa itaas ng puno bago nilibot ulit ang mga mata.

Hindi ko pa nalilibot ang buong probinsya na 'to kaya hindi ko pa nakikita ang ibang mga bahay. Nakita ko na ang iba at medyo pare-pareho nga ng kina Joan pero medyo malalaki lang ng kaunti.

Their house is the perfect example of bahay kubo.

"Umpisa na tayo, may mga gamit na ako doon, hinanap ko nw. Teka lang." Tumakbo si Joan papasok sa bahay nila kaya tatlo nalang kami ang natira dito sa labas.

Shelter In You (MASVEDO SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon