Kinabukasan parang zombie kami ni Bianca kasi wala kaming tulog kahit isang oras manlang.
"Shit my head hurts" reklamo niya na inirapan ko nalang.
Tinawanan lang kami ni Mommy saka binigyan ng kape na agad naman naming ininom.
"What did you do the whole night?" Tanong ni Mommy kaya sumimangot ako.
"Heart to heart talk" sagot ni Bianca kaya mas lalong natawa si Mommy.
Henz is still asleep so we decided to take a bath immediately. Pagkatapos namin maligo nagulat ako ng marinig ang boses ni Mekael sa labas ng bahay. Nagkatinginan kami ni Bianca bago siya tumayo para salubungin si Mekael.
"Perfect, why don't you tour us around Mekael? Besides, isang araw lang naman ako dito kaya susulitin ko na." Bella said that make me sighed. One day, she'll only stay here one day.
"Vista Coloma nalang tayo!" Napakunot ang noo namin ni Bianca.
"What?" Sabay na tanong namin.
"Basta maganda doon! May falls basta promise mag-eenjoy tayo!" Kaagad kaming ngumiti ni Bianca saka tumango-tango.
"Ate I'll go with you! Mommy!" Nanlaki ang mga mata namin ni Bianca ng biglang umiyak si Henz ng napakalakas at saka naglupasay sa siya sa harap namin.
"Mom" hininging tulong ko kay Mommy.
"Isama mo na, maganda doon. Para makapasyal narin ang kapatid mo. Ingatan mo Bella." Napanguso nalang ako saka pumasok sa kwarto at nagprepare ng mga dadalhin.
"Oh I love this one" masayang aabi ni Bianca ng makita ang yellow two piece ko kaya inirapan ko nalang siya.
Nagshorts lang kami saka nagsee through blouse sa ibabaw kasi nagsuot naman kami ng two piece sa ilalim. Pagkalabas namin halos mapangiwi ako kasi handang-handa na talaga si Henz. May salbabida pa siyang dala na pambata.
"Ingatan mo ang kapatid mo Bella. Don't take your eyes off of him." Tumango nalang ako saka binuhat na ang mga gamit ni Henz.
Naghintay kami ng masasakyan sa labas at halos matawa ako sa pagrereklamo ni Bianca. Ganiyan na ganiyan ako nang unang dating ko dito.
Nang may humintong tricycle sa harap namin napangisi ako bago pumasok saka kinandong si Henz.
"Seriously Bella?" I smirk.
"Seriously Bianca." Sapilitan siyang umupo sa tabi ko kasi wala naman siyang choice.
Si Mekael doon sa likod ng driver pumwesto at siya narin ang nagsabi sa driver kung saan kami pupunta.
"Typical province" Bulong ni Bianca habang tinatanaw ang mga dinadaanan namin.
"Ate are we going to swim? Ate teach me how!"
"You can't, malalim ang tubig doon." Sumimangot lang si Henz dahil sa sinabi ko.
Ilang minuto rin ata ang biyahe hanggang sa huminto kami sa isang medyo tagong lugar pero preskong presko. Naunang bumaba si Bianca kqya sumunod rin kami ni Henz. I couldn't describe what it looks like but I must say that it's a good place to freshen up. Malamig lamig kasi ang pwesto.
Nagulat pa kaming dalawa ni Bianca dahil noong nagbayad kami ang entrance sobrang mura lang niya. Pagkapasok na pagkapasok namin agad bumungad sa amin ang napakaganda at napakalaking waterfalls. It's so amazing though it's a little bit noisy but it's worth it.
"Wow Ate, that is so beautiful."
"Damn it's really nice." Nagkindatan kami ni Bianca sa sobrang pagkaexcite.
BINABASA MO ANG
Shelter In You (MASVEDO SERIES #2)
RomanceIsabella Therese Clarkson lost her wealthy living when her Dad died. The only riches left to her was her millions of money in her trust fund but her Mom refuse to use that. Her Mom decided to take her and her five years old brother in province, Masv...